Kabanata 7

28 0 0
                                    

Kabanata 7


Nag-serve ng maiinom at pagkain si Kuya Stanley sa akin. Kakaalis lang ng girlfriend niya kaya umupo na siya sa tapat ko. Nag-iwas ako ng tingin.


"What happened, bro?" Tanong niya.


Umiling ako. Nahihiya ako sabihin kay kuya na umamin ako kay Cleo at nag-ditch ako ng klase dahil doon.


"Gusto mo ba mapag-isa muna? Dad will be here in a few."


"Ha?" Nanlaki ang mga mata ko.


Tumayo na si Kuya Stanley at tinapik ako sa balikat. "Don't worry, sa office naman siya didiretso."


"Pero naka-park sa labas ang motor ko."


"He wouldn't notice that saka sa likod siya nagpa-park. Take your time. Si Shey?"


"Sinabihan kong sumabay na lang kay Troy mamaya." Napayuko ako.


Umalis na siya kaya mag-isa na ulit akong tumulala sa pwesto ko. Uminom ako sa drinks na sinerve ni Kuya Stanley. Naisip ko ang nangyari kanina.


Umamin ba talaga ako kay Cleo? Ano kayang mangyayari sa akin bukas? Hindi ko yata siya mahaharap pa. Saka hindi ko alam kung sasabihin ba niya sa mga kaibigan namin.


Hanggang ngayon malakas ang tibok ng puso ko. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko na ulit ang cellphone ko. Pero in the end, naisip ko pa rin na baka may emergency, kaya tinurn on ko na ulit. Tumambak ang mga texts ng mga kaibigan ko dahil nag ditch ako ng class. Walang text mula kay Cleo.


Shey:

Why? Nasaan ka?


Wala akong nireplyan sa mga texts nila. Binalik ko na lang sa bulsa ang phone ko at inubos ang pagkain na sinerve ni kuya.


Bago ako umuwi sa bahay, tinext ko ulit si Shey na susunduin ko siya sa labas ng school. Hindi ko alam kung nasabihan na ba niya si Troy pero bahala na, hihintayin ko na lang si Shey sa labas.


"Theo!"


Napalingon ako kay Shey na tumakbo palapit sa akin. Inabot ko agad sa kanya ang helmet saka niya ako nginusuan. Wala na siyang nagawa kaya sumakay na agad siya at umuwi na kami.


Pagkarating sa bahay, kinukulit niya ako. Nagawa ko rin hindi magsabi sa kanya. Nakuha na niyang mainis dahil hindi ko siya pinapansin.


"Bahala ka nga diyan!" Sigaw niya saka padabog na sinara ang pintuan ng kwarto ko.


Nagpalit na ako ng damit saka nagbasa ng mga lessons habang naghihintay mag-dinner. Nang nasa hapagkainan na kami, napapansin ko ang mga tumutusok na tingin ni Shey sa akin pero hindi ko siya nililingon pabalik. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka bumalik na sa kwarto at nagbasa na ng ibang libro.


"Some people don't know what they have until it's gone."

"But what about the ones who do know? The ones who never took a damn thing for granted? Who tried their hardest to hold on, yet could only look on helplessly while they lost the thing they loved the most.

"Isn't it so much worse for them?"
                                                      -Lang Leav


Kinabukasan, inulan ulit ako ng tanong ng mga kasama ko kung anong nangyari at anong napag-usapan namin ni Cleo.


"Bumalik si Cleo na malungkot." Sabi ni Lyra.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon