IV

20 1 0
                                    

I just cried the whole night. This is the first time that I cried for so long. Thankful din ako kay Celine dahil hindi niya ako iniwan pero sobrang guilty ko dahil papasok siya sa trabaho nang walang tulog. Gusto ko rin pumasok sa trabaho pero siya na mismo ang nagsabi na mag-leave na lang muna ako ngayon at magpahinga. Wala na akong nagawa kaya nagpaiwan na lang ako sa apartment.

Mula kagabing hinatid ako ni Theo, wala pa akong narereceive na text ulit sa kanya. He always sends me good morning texts but none today. Bakit nga ba ako aasa? It's either takot siyang kausapin ako dahil magagalit ako at makipaghiwalay nang tuluyan o disappointed siya sa akin at gusto munang magpalamig kami pareho. Either way, it's my fault.

Ano bang nararamdaman ko ngayon pagkatapos kong umiyak nang buong gabi? Hindi nagtanong si Celine kung anong nangyari, she just stayed by my side. Hindi rin naman ako nakapag-isip kagabi dahil iyak lang ako ng iyak.

Do I still feel breaking up with Theo? Iyon ba ang makakabuti para sa aming dalawa? Kung magkaayos man kami ngayon, how long will I last this time? Hanggang kailan ako magtatago ulit ng nararamdaman bago ko aminin na nasasaktan na ako?

Wala rin naman akong mapagsabihan. Hindi sa wala akong taong pwedeng pagsabihan dahil alam ko nandyan lang sina Celine at Lyra para pakinggan ako, pero ako mismo ang ayaw magsabi sa kanila. Sinasarili ko ang problema ko. Ayokong makadagdag sa kung anumang problema meron sila. Saka alam ko sa sarili ko na, ako pa rin ang magdedesisyon.

Tumayo na ako at naghilamos ng mukha sa banyo. Dahil sa sobrang gulo ng itsura ko ngayon, I decided to take a bath this early morning. Pagkatapos kong maligo, bumalik na lang ako sa kwarto ko para magkulong. Wala akong gana magluto at kumain. Habang nakahiga sa kama ko, kinuha ko ang phone ko at chineck. Wala pa ring text ni Theo.

Kung ako ang unang magtetext, anong sasabihin ko? Hindi ko alam. Pakiramdam ko rin hindi pa ako handang makipag-usap kay Theo. Gusto ko siyang makita, makausap at makasama pero sigurado akong kapag nagkita kami, masasaktan lang ulit ako at makikipaghiwalay ulit. Maybe avoiding him will keep me from breaking up with him. But what does a relationship mean if we couldn't see each other?

Pinikit ko ang mga mata ko. Magang-maga ang mga mata ko mula sa magdamagang iyak. Kung makakatulog ako ngayon, panigurado mas mamamaga ang mga mata ko pagkagising ko.

Nagmulat ako ng mga mata at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng kutsara at binabad sa malamig na tubig na may yelo. Iyon ang ginamit kong pang-pat sa namamaga kong mata. Pagkatapos ng halos isang oras, medyo nabawasan na ang pamamaga kaya bumalik na ako sa kwarto para matulog.

Pagkagising ko, lunch time na. Narinig ko ang pag-iyak ng tiyan ko. I looked at my phone at nakitang may text si Celine. 

Celine:

Did you eat? Gusto mo ba utusan ko si Dean padalhan ka ng food?

Napangiti ako sa pag-aalala ni Celine.

Ako:

I'm fine. Magluluto na lang ako rito. Kumusta ka? Sorry, wala kang tulog dahil sa akin.

Celine:

Okay lang ako. Sanay naman ako magpuyat.

Hindi na ako nag-reply pa at iniwan na lang ang phone ko sa kama at lumabas ng kwarto. Naghanap ako ng pwedeng lutuin mula sa mga binili naming groceries ni Theo nung minsan. Pero wala akong gana magluto kaya nagbukas na lang ako ng delata. Kakain na sana ako nang makalimutan kong hindi pala ako nagsaing. Pero pagkakita ko sa rice cooker, merong kanin. I think nagsaing si Celine kanina bago umalis. Walang bawas ang kanin, hindi rin siguro siya kumain bago pumasok.

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon