Kabanata 27
Hindi ko pa sinasabi kay Cleo ang napag-usapan namin ni Dean. Wala rin naman kayong maayos na usapan kaya hindi na importante. At ibang rason ay hindi na ulit nagtetext pa si Cleo.
Hindi na ako tulad ng dati na magtataka ako o mag-iisip kapag hindi na ulit ako tinetext ni Cleo. Malulungkot pa ako. Pero ngayon wala na. Sanay na siguro ako at hindi ko na rin naman na hinihintay pa.
Kinabukasan sa school, sobrang swerte na yata namin dahil walang prof para sa dalawang subjects namin. Nag-aya mag-basketball sina Dean kaya iniwan namin ang girls sa room. Nag-stay sila roon kahit pa wala na ang mga kaklase namin.
Hindi ako sumali sa laro nila, maging si Dale ay hindi sumali. Bale naging one on one na lang sina Troy at Dean. Pinapanood ko na lang sila, may prof sina Cess kaya hindi ko rin siya matext.
Nang medyo mabored ako, nagpaalam ako kay Dale na babalik na lang ako sa room para magbasa o samahan ang mga girls. Pagkabalik ko sa room, narinig ko ang malalakas na boses ng mga kaibigan ko. Nakatayo si Hazel sa likod ni Lyra habang hawak ito sa braso at para bang pinipigilan. Si Celine naman ay nakaupo at nakayuko.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin, Celine? Of all people, bakit kay Dean pa?" Galit na tanong ni Lyra. "Alam monh babaero 'yon. Magkakaibigan tayo pero hindi namin hahayaan na masaktan ka, kaibigan pa natin ang mananakit sayo."
"Celine, please don't get us wrong. Mali lang talaga para sa amin kahit saan mo tingnan, saka ayaw namin masaktan ka." Sabi ni Hazel.
"Kaya pala biglang parang sobrang close ninyo ni Dean, lagi kayong nag-aasaran. Inisip mo ba na hindi ka naman seseryosohin ni Dean?"
Nakita ko ang nakakuyom na kamay ni Celine sa ilalim ng table. Ngayon lang yata napansin nina Lyra at Hazel ang presensya ko. Nilapitan ko sila.
"Anong nangyayari?" Tanong ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may relasyon sina Celine at Dean?" Tanong din ni Lyra sa akin.
Nalaglag ang panga ko. "P-Paano..." paano nila nalaman?
"Ly..." Pigil ni Hazel kay Lyra na kitang-kita talaga ang galit.
"Celine, ayaw ka namin masaktan. Magkakaibigan tayo." Medyo kumalmang sabi ni Lyra.
"Lyra... wait." Sinubukan kong pumagitna sa kanila. I can't take sides. Alam ko ayaw masaktan nina Lyra si Celine pero hindi tama na magalit sila. "Pag-usapan natin 'to ng maayos."
Lahat kami napalingon kay Celine nang pabagsak siyang tumayo. Nakayuko pa rin siya pero hindi siya umiiyak. "Wala kayong pakialam kung masaktan ako o hindi. Kami man ni Dean o hindi, masasaktan pa rin ako."
"Celine..." tawag nina Lyra at Hazel.
"Celine, please let's talk about th-"
"What? Ikaw naman ang may kasalanan bakit kumalat 'to diba? Kung hindi mo sinabi sa pinakamamahal mong si Cleo, hindi siya magsasabi sa kanila! This is your fault, Theo!" Sigaw ni Celine.
Natigilan ako sa sigaw niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sabihin niyang kasalanan ko. Hinawakan ako ni Lyra sa braso saka niya muling hinarap si Celine.
"Walang kasalanan si Theo!"
"Guys, let's all calm down, please." Sabi ni Hazel.
"Huwag n'yo na ako pakialaman! Hindi naman kayo 'yung masasaktan-"
"Magkakaibigan tayo!" Pagpuputol ni Lyra.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...