Kabanata 3
Naabutan ko si Shey na nakayuko at nakaupo sa may waiting shed sa tapat ng building kung saan naggy-gym si Troy. Nang tawagin ko ang pangalan niya, umangat ang tingin niya at nakita kong umiiyak siya. Gabi na pero dahil sa maliwanag ang ilaw sa waiting shed, nakita ko ng klaro ang mukha niya. Pinark ko sa gilid ng daan ang sasakyan saka dali-daling bumaba para lapitan ang kapatid ko.
"Theo!" Hagulhol niya saka ako niyakap.
"Anong nangyari?" Kumuyom ang kamao ko. Hinubad ko ang suit ko saka sinoot at sinabit sa balikat niya.
"Umuwi na tayo, please. Ayokong maabutan niya tayo rito."
Tumango ako saka siya inalalayan, binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at pumasok na siya. Inayos ko ang seatbelt niya bago umikot para makasakay sa driver's seat. Nagdrive na agad ako pauwi sa bahay. Nang makarating na kami sa bahay, hinawakan agad ni Shey ang braso ko. Namumula ang mga mata niya mula sa pag-iyak.
"Huwag mong sabihin kina mommy't daddy, please." Nagmamakaawa niyang sabi.
Bumuntong-hininga ako. "Ayusin mo sarili mo."
Tumango siya at pinunasan ang pisngi. Nauna akong pumasok sa bahay at sinenyasan si Shey nang makitang walang tao sa sala. Tumakbo siya papasok ng bahay hanggang sa umakyat sa stairs papunta sa kwarto niya. Saktong pagka-alis niya ay dumating si mommy. Nagising yata siya.
"Theo, anak, how's the party?"
"Okay naman po, mom."
"Okay. Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga. May pasok ka pa bukas diba?"
"Opo. Good night, mommy." Ngumiti ako saka hinalikan sa pisngi si mommy.
Umakyat na ako at kakatukin sana sa kwarto si Shey pero binalewala ko na lang at pumasok sa kwarto ko. I loosened my neck tie and folded my sleeves. Chineck ko ang phone ko saka umupo sa kama.
Cleo:
Theo? Sorry, nasa party ka pa yata.
Cleo:
Sorry sa abala.
Napahawak ako sa ulo ko. Nakalimutan ko si Cleo. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot at nagriring lang. Mag-iisang oras na ang nakalipas nang isend niya ang text na iyon. Pero dahil sa pinuntahan ko ang kapatid ko, hindi ko na siya naalala. Bumuntong hininga ako.
Naghilamos na ako at nagpalit ng damit. Nagbasa muna ako bago matulog. Kapag hindi ako nakakatulog agad, nagbabasa muna ako ng libro pampalipas ng oras at pampawala ng iniisip.
Do you think there is the possibility of you and I? In this lifetime, is that too much to hope for? There is something so delicate about this time, so fragile. And if nothing ever comes of it, at least I have known this feeling, this wonderful sense of optimism. It is something I can always keep close to me - to draw from in my darkest hour like a ray of unspent sunshine. No matter what happens next, I will always be glad to know there is someone like you in the world.
- Lang LeavIndeed, this feeling is something I can hold on to. Unang beses ko maramdaman ito sa isang babae. Hindi ko masasabi na si Cleo lang ang magugustuhan ko, maraming pwedeng mangyari. Pero hangga't nararamdaman ko ito para sa kanya, panghahawakan ko.
Kinabukasan, may pasok na ulit sa school. Kahit pa late na ako nakatulog kagabi, nagising pa rin ako sa alarm ng phone ko. Nakapag-ayos na ako at naabutan sina mommy at daddy sa dining na nag-aalmusal.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...