Kabanata 11

26 0 0
                                    

Kabanata 11



Hindi ako nakatulog ng maayos nung gabing iyon. Iniisip ko si Cleo. Katext ko pa rin siya at inupdate niya ako nung kasama na niya ang mga kaibigan niya sa bar. Pero hanggang doon lang, mukhang hindi na niya napansin ang phone niya nung nasa bar na sila.


Nagising ako na may text si Cleo nang maga-alas-dos na pauwi na sila.


Cleo:

Pauwi pa lang kami, sorry late reply. I enjoyed it, Theo! We should try next time kasama sina Celine.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiinis ako dahil nagawang mag-enjoy ni Cleo sa ganung lugar, she may be in danger in that place. Paano kung nalasing pala siya at may magsamantala sa kanya roon? I'm worrying for nothing. Wala rin naman akong karapatan.


Bumangon na ako at sinamahan sina mommy mag-breakfast. Pinagtimpla ako ni mommy ng coffee at pinagsandok ng pagkain.


"Theo, pwede mo bang puntahan kapatid mo? Check mo kung gising na rin siya, para sabay sabay na tayo kumain."


"Sige po." Sabi ko.


Umakyat na ulit ako at kumatok sa kwarto ni Shey. Hindi siya sumasagot, alam siguro niyang ako ang kumakatok. Chineck ko ang doorknob at hindi naman naka-lock.


"Papasok ako." Paalam ko bago buksan ang pintuan. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at hawak ang cellphone. Hindi man lang siya nagbaling ng tingin sa akin. "Sabay sabay na raw tayo kumain sabi ni mommy."


Hindi pa rin niya ako nililingon o sinagot pero tumayo na siya. Lumabas na lang ulit ako ng kwarto niya pero hindi pa ako bumalik sa baba. Nag-stay ako sa labas ng kwarto ni Shey at sumandal sa wall. Pagkalabas niya, nagulat siya nang makitang nandito pa ako. Hinila ko si Shey at niyakap, hindi naman siya nagpumiglas.


"Sorry na." Hinalikan ko siya sa ulo. "Paano ba ako babawi sayo?"


"Ewan ko sayo! Ngayon mo lang ako naisipan lambingin?"


Natawa ako. Alam ko okay na kami. Piningot ko ang ilong niya. "Paano kita kakausapin, nakabusangot lagi mukha mo."


"Ikaw kase!" Sigaw niya.


"Oo na, sorry na nga."


"Huwag mo na uulitin 'yon, Theo."


"Bakit? May balak ka pa bang ipakilala na iba maliban kay Troy?"


Ngumisi siya. "Malay mo, kung hindi pala talaga kami o kaya magbreak kami-"

"Kayo na?" Pagpuputol ko sa kanya. "Anyway, sabihin ko kay Troy na inaanticipate mo na magbi-break kayo."


"Gusto mo ulit hindi kita pansinin?" Pagsusungit niya.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon