Kabanata 17
Hindi ko masabi kung maswerte ako ngayon o hindi. Wala ang prof namin sa sumunod na subject kaya nag-stay na lang kaming magkakaibigan sa room habang nag-alisan na ang mga kaklase namin.
All eyes are looking at me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa binabalak nila. Matutuwa ba ako dahil makakakuha ako ng ideya sa kanila? O kakabahan dahil maguguluhan na naman ako sa nararamdaman ko?
"Why don't we ask Theo first if it's okay with him? Baka makagulo lang tayo kung pangungunahan natin siya." Sabi ni Hazel.
"Sabagay. Okay lang ba sayo, Theo? Hindi mo kailangan ma-pressure sa amin lalo na sa boys. Huwag mo masyado silang pinapakinggan." Sabi ni Lyra.
"Ang sakit mo naman magsalita, Ly." Natatawang sabi ni Dean.
"Tama sina Hazel at Lyra." Komento ni Celine at minatahan si Dean.
Nagtaas na lang ng dalawang kamay si Dean bilang pagsuko.
"Theo?" Tawag ni Dale. "Ano bang binabalak mo ngayon? May plano ka ba?"
Napaisip ako. Ano nga bang plano ko? May natatandaan ba akong sinabi ko sa sarili ko na hahayaan ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya? Na palilipasin ko na lang?
Umiling ako. "Hindi ko alam."
"Pagkatapos nung birthday mo, hindi pa rin kayo nagkakausap ulit ni Cleo nang madalas?" Tanong ni Lyra.
Umiling ulit ako. "Hindi na."
Bumagsak ang mga balikat nila. "I guess she's trying to avoid you."
Nanlaki ang mga mata ko. "Avoid me? Bakit ngayon? Noong umamin ako sa kanya, hindi naman ganito diba?"
"She's trying to avoid your feelings, Theo. Whether it'd be your love or pain."
Iyon din naman ang naisip ko noon diba? Iniiwasan ni Cleo ang nararamdaman ko. Hindi niya binibigyan ng pansin at nagbubulag-bulagan siya. Para bang naging bato siya. Hindi niya pansin ang mga batong tinatapon niya sa akin.
"For me, okay lang naman kung magkatuluyan kayo o may mahulog isa sa inyo. Hindi ba magandang foundation sa relationship kung magkaibigan kayo una? You already knew each other, you're comfortable with each other. Sobrang tatag ng foundation na iyon." Sabi ni Hazel.
"Wala rin sa akin kung magkatuluyan ang magkaibigan, kahit pa marami tayong magkakaibigan dito." Sabi na rin ni Celine.
Hindi ko alam kung iyon talaga ang opinyon niya o dahil sa nainlove rin siya kay Dean na kaibigan namin.
"Wala rin problema sa akin." Ani Lyra. "Let's say if one you falls for me, o kaya mainlove ako sa isa sa inyo, tatanggapin ko. I'll acknowledge the feelings and I'll try it out."
"Kahit pa nakasalalay ang pagkakaibigan ninyo?" Tanong ni Dale. "Kasi pwedeng hindi kayo mag-work out kaya kapag nalamatan ang pagkakaibigan ninyo, magkakaroon din iyon ng epekto sa iba ninyong kaibigan. Awkward lahat. Pwedeng mabuwag kayo, pwedeng isa sa inyo o kayong dalawa lumayo sa lahat."
Napatango ang girls.
"I get your point, Dale." Humawak sa sentido si Lyra. "I haven't thoroughly thought about it."
"Ako okay pa rin. Kasi kung hindi mag-work out talaga, kailangan ninyo pag-usapan ng maayos, kailangan ninyo tapusin ng maayos para pwede kayo bumalik sa pagiging magkaibigan. Nasa sa inyo naman paano ninyo ihahandle ng maayos at paano kayo magpapakamature sa sitwasyon." Sabi ni Hazel.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...