Kabanata 26

27 1 0
                                    

Kabanata 26


Parang walang nangyari nang makabalik kami sa room. Hindi naman ako masyadong pinapansin ni Celine pero wala naman tinatanong ang mga kaibigan namin. Natapos ang araw na iyon na iniisip ko ang nangyari.


"Love, are you okay?" Tanong ni Cess habang nasa sasakyan kami. Sinamahan niya ako hintayin si Shey.


Napalingon ako sa kanya. Pilit akong tumango. "Yeah."


"Bukas sabay tayo ng vacant diba?"


"Yup. 10am. Sabay na tayo mag-lunch."


"Okay lang ba sa mga kaibigan mo?"


"I think so."


Hindi na ulit nagsalita si Cess. Hindi ko rin naman mabasag ang katahimikan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kina Celine at Dean. Wala akong dapat pagsabihan, ang tanging nakaka-alam lang maliban sa akin ay si Cleo.


Speaking of Cleo, nakatanggap ako ng text sa kanya kinagabihan. Hindi ko na katext si Cess dahil busy na siyang ginagawa ang project niya. Nagtaka ako nang biglang mangumusta si Cleo at tinawagan ako.


"Okay lang naman. Ikaw? Sanay ka na ba diyan?" Tanong ko.


"I think?" Tumawa siya. Parang kayo lang, lagi kaming magkakasama ng mga kaklase ko.


"Good to hear."


"May problema ba? Nag-away ba kayo ni Cess?"


"Ha? Hindi, ayos lang kami. Bakit mo natanong?" Pagtataka ko.


"Iba boses mo, Theo. Kahit na matagal na tayong hindi nagkakausap, I still memorize that voice."


May kung anong nag-spark sa puso ko. Para bang may kaunting tuwa akong naramdaman dahil naaalala pa rin ni Cleo, may naaalala pa rin siya sa akin.


"Anong ibig mong sabihin?"


"That's the voice of someone worried."


Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Pinatong ko sa noo ko ang isang kamay ko. Huminga ako ng malalim. I was still the same back then. May kung ano sa akin na hindi ko mapigilan hindi magsabi kay Cleo. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang sabihin ko sa kanya ang nangyari at naging pag-uusap namin ni Celine.


"Please talk to Dean. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Celine pero bilang kaibigan niya, we can't let her hurt herself."


"Anong sasabihin ko?"


"Ask him if he's serious with Celine o kung may balak ba siyang seryosohin ang kaibigan natin."


"Is friendship really important when it comes to love?" Bigla kong tanong.


Hindi agad nakasagot si Cleo kay na-awkward ako. "Para sa akin, pantay lang ang friendship at love."


Nabigla ako sa sagot niya. Can I ask her what she thought of me when I told her I like her? Dapat pa bang itanong iyon? May girlfriend na ako, may bago na siyang manliligaw at sigurado akong may nararamdaman siya sa lalaking iyon. Wala ng sense pa para itanong. Saka anong gagawin ko kapag nalaman ko ang sagot? Let that be an unheard question forever.


"Susubukan kong kausapin si Dean."


Wala na kaming masyadong napag-usapan, hindi katulad dati na kung ano ano nalang. Para bang noon, pareho kaming nag-iisip ng iba ibang topic para mapahaba lang ang pag-uusap. Ngayon wala na. Did we mature? Is this even about maturity?


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon