VI

24 1 0
                                    

It's been a week since that day. Nakakatanggap pa rin ako ng mga texts kay Theo pero hindi ko siya nirereplyan at hindi rin naman niya ako pinupuntahan. Maybe he's really scared or he thought of what I told him, not to see me.

"Hazel, okay ka lang?"

Napalingon ako sa katabi ko. "Yeah." She's one of our co-workers.

Simula nang ma-promote si Celine, syempre lumipat na siya ng pwesto. Good thing, nasama ako sa mga nalipat under sa kanya. So she's now my Team Leader.

"Guys, let's eat out for lunch." Announce ni Celine.

"Yes!" Masayang sabi ng mga kasama ko.

Pagkarating ng lunch, nag-decide sila i-try namin ang bagong bukas na restaurant. Medyo malayo sa office pero hindi talaga ganun kalayo lalo na may sasakyan ang iba naming mga ka-team kaya may service kami at mabilis makarating.

It's a western style restaurant at medyo marami ang mga customers dahil first day. I bet they all wanted to try it out and see. Mabuti na lang hindi pa siya fully booked at nakapagpa-reserved pala si Celine in advance.

Sinamahan kami ng waitress sa table namin at sabay sabay na kami nagtingin sa menu. I think it's kind of pricey pero we'll wait for the taste if it'll be worth it. Anim lang kami at may group meal naman sila na for 6 persons kaya iyon na lang din muna ang inorder namin.

Umalis na ang waitress pagkakuha ng order namin. Chineck ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Theo.

Theo:

Lunch. Eat well.

Hindi ko na lang ulit pinansin iyon. Sa mga texts niya, parang kami pa rin. Siguro ayaw pa rin talaga niyang tanggapin ang pakikipag-break ko. When I'm thinking about it, bakit nga ba ako nakipaghiwalay? A part of me wants to take it back at makipag-ayos na sa kanya lalo na kapag namimiss ko siya. But a part of me still wants to hold on to that decision. Even if it hurts the both of us.

"Hazel."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Celine, katabi ko siya.

"Hm?"

May tinuro siya sa mga customers at nasa malapit lang na table namin. Nalaglag ang panga ko nang makita si Theo at mga kasama niya sa trabaho. Nagkatinginan kami at nakita ko rin ang gulat sa kanya. Tipid siyang ngumiti pero dahil sa kaba ko, hindi ko nasuklian iyon, nag-iwas na lang ako ng tingin.

Nanikip ang dibdib ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit man lang suklian ko ang mga ngiti niya, hindi ko pa magawa. Instead, I avoided him.

"Sorry, I didn't know they would be here and nawala sa isip ko na malapit 'to sa company nila."

Nilingon ko si Celine. "Okay lang."

"May problema ba, TL?" Tanong ng isa naming kasama.

"No, everything's fine." Ngiti ni Celine.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Ayokong tingnan. Ayokong basahin. I'm sure it's Theo. Ayokong makita niya akong hindi ko talaga pinapansin ang mga texts niya. Nasa bandang likuran ko ang table nila pero alam kong nakatingin siya sakin.

Bakit pa ba ako nag-iinarte? Ako naman ang mahal ni Theo, wala ng problema, maayos na siya, maayos na ang nararamdaman niya. Bakit kung kailan naging buo na siya, saka naman ako nawasak at nag-let go?

Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang phone ko at chineck ko pa rin. Siya nga ang nagtext.

Theo:

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon