Kabanata 10
Nasa Starbucks kami nagtambay pagkatapos magpaalam kina Shey at Troy. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, baka magdi-date.
"Punta lang ako CR." sabi ko sa mga kasama ko.
"Okay."
Nagpunta na ako sa restroom para umihi. Habang naghuhugas ako ng kamay, may pumasok na dalawang lalaki. Nilingon ko sila sa salamin, mga estudyante rin sa school namin.
"Nakita mo si Cleo? Akala ko nagtransfer siya?" Tanong nung isang lalaki.
"Baka naman binisita mga kaibigan niya? Hindi mo nakita magkakasama sila?"
Mukhang napansin nila ako nang kumuha ako ng tissue. Siniko ng isa ang kasama niya at nanahimik na sila. Lumabas na ako at binalikan ang mga kasama ko. Nagkatinginan kami ni Cleo habang palapit ako.
Ang ganda niya. Hindi na nakakapagtaka kung maraming magkagusto sa kanya. At sa nilipatan pa lang niyang school ay marami nang nagpapakilala at lumalapit sa kanyang lalaki. Ang dali siguro kung hindi kami magkaibigan ni Cleo. Baka magkaroon ako ng lakas ng loob lapitan siya at ligawan siya. Pero dahil magkaibigan kami at nakasalalay ang friendship naming dalawa, naguguluhan ako kung anong uunahin ko.
Umupo na ulit ako sa tabi ni Cleo. Dumating na pala ang mga drinks namin. Nagkwentuhan ulit ang mga girls at nagpicture. Magdidilim na nang magkayaan umuwi. Tinext ko na rin si Shey na papunta na ako sa parking. Nauna siya roon at hinihintay na ako, kasama niya si Troy.
Kasama ko ang mga kaibigan ko papuntang parking dahil sasabay sila sa sasakyan ni Dean. How good is it kung may kotse na rin ako at ihahatid ko si Cleo sa bahay nila? Pero iniisip ko pa lang, baka ayaw din ni Shey lalo na't out of the way ang bahay nina Cleo.
"Kumusta date niyo?" Tanong ni Dean nang nasa parking na kami.
Naabutan namin nag-uusap sina Shey at Troy habang magkahawak kamay. Hindi pa ako sanay na makita ang kapatid ko na may kasamang lalaki.
"Cleo, sorry, bawi ako bukas." Sabi ni Troy na hindi pinansin si Dean.
"Okay lang." Ngumiti si Cleo.
"Uwi na kami." Paalam ni Shey kay Troy at hinalikan ito sa pisngi.
Sumakay na ako sa motor at sinoot ang helmet, ganun din si Shey. Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nagpaalam na rin bago umalis.
Nagdaan ang sports fest na maayos. Magkakasama lang kami lagi at ramdam naming bitin ang ilang araw na makasama si Cleo. Sunday at pinapanood ko si mommy magluto. Ngayon darating si Troy para ipakilala sa parents namin. Si Shey ay nasa kwarto at malamang ay nag-aayos dahil ilang sandali lang ay darating na si Troy.
"Where's daddy?" Tanong ko.
"Nasa kwarto, nag-aayos din." Natawa si mommy.
"Bakit kailangan nila mag-ayos? Ikaw mommy hindi ka ba mag-aayos?"
"Hindi naman kailangan. Magpapalit lang ako ng damit pagkatapos ko magluto."
"Ano palang niluluto mo?"
"Carbonara." Sagot ni mommy.
"Pwede ko ba matikman?" Tumayo ako at nilapitan si mommy.
Kumuha siya ng kutsara at kumuha sa niluluto niya, sinubuan niya ako. Ang sarap talaga magluto ni mommy. Napaka-creamy ng carbonara na niluluto niya.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...