II

22 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mabuo ulit kaming magkakaibigan sa birthday party ng anak ni Lyra. Sa nakalipas na araw, nakatanggap ako ng text kay Lyra at kinakamusta ako. I kind of find it weird. Hindi naman bago sa amin ang mangamusta pero naramdaman kong may kakaiba sa pagkakataong iyon.


"Hazel, tawag ka ni Team Leader."


Napalingon ako kay Celine.


"Ha? Sorry. I'll go there. Thank you!"


"Okay ka lang? Medyo napapansin kong lagi kang tulala lately."


Nag-init ang pisngi ko. "Oo naman."


Nagpa-excuse na ako at pinuntahan ang Team Leader namin. Iyon pala, she's gathering some feedback para sa promotion ni Celine. Syempre, naging honest ako at alam naman nila na magkaibigan kami ni Celine kaya pinangunahan ko sila na hindi biased ang mga naging feedback ko. May mga lapses sa ugali ni Celine sa mga kasamahan namin pero hindi maipagkakaila na may potential siya saka she's trying her best na makihalubilo sa iba.


Lunch time, sabay kami ni Celine kumain. Nakatanggap ako ng text kay Theo.


Theo:

Did you eat?


"Lyra texted me."


Bumaling ang tingin ko kay Celine. "Anong sabi?"


"She's worried about you. And I am too."


Nag-init na naman ang pisngi ko. "Okay lang naman ako." Sabi ko at nag-type ng reply kay Theo.


Ako:

I'm eating now with Celine.


"We know you're not. We just want to let you know that we're here. Lalo na ako, magkasama lang tayo sa apartment. Pero naiintindihan ko kung ayaw mo magsabi. Basta ang gusto lang namin ni Lyra, huwag mo hayaan mapuno ka. Put a warning level towards your patience. Huwag mong hayaan na sumabog ka na lang bigla. Not that I'm actually talking big coz I myself don't know that too."


Tipid akong ngumiti. "I understand."


Theo:

Sunduin kita mamaya. Wala akong masyadong trabaho ngayon kaya maaga ako makakauwi.


Ako:

Okay.


Pagkatapos namin kumain ni Celine, bumalik na kami sa office at nagtrabaho. Bago matapos ang araw, inaannounce na ng Team Leader namin na nakapasa si Celine sa interview niya for the promotion. We all congratulated her at nag-aya sila na kumain at uminom sa labas. May pasok pa kami bukas kaya moderate drinking lang ang napagplanuhan nila.


"Habol na lang siguro ako. Susunduin ako ni Theo." Sabi ko kay Celine.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon