Kabanata 19
"Tell me that story again - the one where the world ends how it began with a boy who loves a girl and a girl who loves a boy. And she is deaf and he is blind and he tells her he loves her over and over and she writes him every day but never hears a thing back."
- Lang LeavIt's almost Christmas day. Ilang buwan na ang nakalipas simula nang magkaroon ng bagong Theo. I say this is a new version of me. Simula nang ipakilala ni Cleo iyong bago niyang manliligaw, hindi na kami nagkakatext pa. I haven't heard anything from her. Lahat kaming magkakaibigan, wala ng balita sa kanya. Hindi namin alam kung uuwi ba siya ngayong pasko o nakauwi na siya.
As for me, sobrang gulat ng mga kaibigan ko nung pumasok ako sa school na walang soot na salamin. Araw araw nireremind ako ni Cess sa pagtatanggal hanggang sa nakasanayan ko na paano maglagay at kung kailan tatanggalin. Nakasanayan ko na rin na kausap siya parati. Magkatext kami palagi at kung minsan ay katawagan ko siya.
Lumipas na lang ang mga araw na ganun kami sa isa't isa. Komportable na kami sa isa't isa pero hindi ko alam kung anong meron kami. Hindi ko pa siya natanong kung pwede ba akong manligaw. Hindi ko alam kung paano manligaw, kung paano ko siya kakausapin.
Sa school naman, minsan sinasamahan ko siya sa library at kaming dalawa lang. Alam na ng mga kaibigan ko at kaibigan niya. Pero hindi ko pa rin nakakausap ang mga kaibigan ni Cess. Siguro ay ayaw pa rin nila sa akin para sa kaibigan nila.
"Are you sure naka-move on ka na kay Cleo?" Tanong ni Hazel nang balikan ko sila sa pantry.
"Nasaan ang iba?" Tanong ko. Siya na lang kasi ang nandito.
"Nauna na sila. Nagpaiwan ako kasi sabi mo babalik ka rito."
Umupo ako sa tapat niya. Marami silang sinasabing pagbabago sa akin pero hindi ko alam. Para bang nagising na lang ako isang araw na ganito na ako. Para bang hindi ko na alam kung paano ba ako dati.
"I guess so." Sagot ko sa tanong niya kanina.
"Hindi mo ba naisip na baka nasasabi mo 'yan ngayon kasi hindi mo nakikita si Cleo? Hindi mo siya nakakausap o nakakasama? Kaya nafofocus ang atensyon mo ngayon kay Cess?"
Umiling ako. "Hindi ko naisip iyon, Hazel."
"I'm not prying. Pero ayaw mong makasakit diba?"
Natigilan ako. I haven't thought about it. Oo, ayokong makasakit ng tao. Ayokong masaktan si Cess. She doesn't deserve that. Pero akala ko lahat sila suportado ako ngayon.
"Thank you, Hazel."
Namula siya at nag-iwas ng tingin. "Para saan?" Nahihiya siyang tumawa.
"Alam ko lahat kayo suportado ako ngayon at gustong maging masaya ako. Pero ikaw 'to na iniisip pa rin ako, ang dating ako."
Bigla siyang tumayo. "Ano ka ba! Syempre magkaibigan tayo! Tara na nga!"
"Tara!" Ngumiti ako.
Iyon na yata ang huling seryoso kong pag-iisip sa mga nangyayari sa akin. Inaya ko si Cess bukas sa bahay. Umoo naman siya agad kahit na pasko. It will be the first time na ipapakilala ko siya sa parents ko.
"Theo!" Sigaw ni Shey sa labas ng kwarto ko. Kumatok siya ng malakas saka pumasok.
"Bakit?" Binaba ko ang librong binabasa ko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...