Tahimik lang ako sa biyahe. Hindi rin naman siya nagsasalita. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa labas ng bintana pero nagtaka ako nang huminto siya sa gilid ng daan. Medyo malayo pa kami sa apartment at nakapam-bahay lang ako. Kung mag-uusap na kami ngayon at hindi maging maayos, paano ako magcocommute ng ganito ang soot ko?
Kahit na nakahinto na ang sasakyan, hindi ko pa rin siya nililingon. Wala ba akong karapatan magalit kung pinaghintay niya ako kanina? He told me he'd pick me up from work but he didn't show up, instead I saw him with other girl... even though that girl was already dead.
Tahimik lang kaming dalawa. Mahigpit ang kapit ko sa bag ko. Naka-silent ang phone ko kaya wala akong magiging excuse. Narinig ko ang pagbuntong niya ng hininga.
"Mahal, please look at me."
I held back my breath. Pakiramdam ko nanginginig pati paghinga ko. Hindi ko alam kung paano haharapin si Theo at kakausapin. Natatakot ako sa kahahantungan nito.
Malumanay niyang hinawakan ang braso ko at sinusubukan ako iharap sa kanya pero mismong ulo ko ang hindi ko ginagalaw.
"Mahal..." Saglit siyang tumahimik. "Please? Mag-usap tayo, pag-usapan natin 'to. Ayokong magalit sakin though I know it was my fault. Let me explain what happened."
Ayoko. Ayokong marinig kung anong nangyari. Ayokong malaman kung anuman ang dahilan nang pagpunta mo sa puntod ni Cleo. Ayokong marinig ang kahit na ano tungkol sa kanya. I'm selfish and I will accept that. Pero ayokong malaman mong selfish ako. Ayokong magalit ka sakin.
Dahan dahan akong umiling. "I'm fine." Bulong ko.
"Then, look at me."
Nagbilang ako ng sampung segundo para ayusin ang sarili ko at paghinga ko bago ako humarap sa kanya. Kinirot ang puso ko dahil nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya, na gusto niyang magkaayos kami. Pero bakit ganun? Hindi ko siya magawang mapatawad sa nangyari kanina. Valid man o hindi ang rason niya sa ginawa niya kanina, it doesn't matter to me. All matters to me is that... mas pinili niya si Cleo kaysa sa akin... mas pinili niya ang patay na kaysa sa akin na buhay pa at kasama niya.
I can already expect Cleo condemning me from the heavens. Is she expecting me to have this kind of attitude? I'm sure not. Everyone will be shock once they knew how selfish and bad I am, especially Theo.
He cupped my face at tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata ko. I couldn't stare back kaya sinusundan niya ang mga tingin ko.
"I'm sorry..." Aniya.
"Why are you sorry?" Tanong ko at tiningnan na siya.
"I'm sorry kasi pinaghintay kita kanina. I'm sorry kasi hindi kita nasundo. Something happened and I can tell you-"
"It's fine." Pagpuputol ko sa kanya. Ayokong marinig. Ayokong malaman. "Okay lang ako."
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...