Kabanata 24

18 0 0
                                    

Kabanata 24


"Hi, love." Bati ko kay Cess nang sunduin ko siya sa bahay nila.


Papunta kami sa mall kasama namin ang mga kaibigan niya. Magkaibigan na sina Cess at Paula mula elementary at sina Kim at Sasha ay ngayong college lang niya nakilala at naging kaibigan.


Napalingon ako kay Cess nang mag-red light. Off shoulder dress na floral design ang soot niya at kitang kita ang necklace na binigay ko sa kanya. She's so pretty. Napangiti ako.


"Why?" Tanong niya.


Napailing ako. "You're so pretty."


Nabigla siya sa sinabi ko at halata ang pamumula ng kanyang mukha. Tinapik niya ako sa balikat kaya natawa ako sa reaksyon niya. Nagtawanan na lang kami at nag-drive na ulit ako nang mag-green light na.


Pagkarating namin sa mall, magkakasama na sina Paula, boyfriend niyang si Gab, at Kim. Si Sasha na lang ang hinihintay namin.


Ilang sandali lang ay dumating na si Sasha at humalik at yumakap kina Cess at Paula. Nakahawak sa braso ko si Cess at sa isang braso niya si Sasha. Maliit lang si Sasha, cute size, kaya niloko kami nina Paula na para kaming family ngayong magkakadikit kami.


"Saan tayo?" Tanong ni Cess.


"Punta muna tayong forever21, baka makalimutan kong bilhin." Sabi ni Kim.


Sabay sabay kaming nagpunta sa store at sinusundan ko lang si Cess habang nagtitingin ng mga damit. Dahil may malaking salamin sa wall, kinuha niya ang phone niya at hinila ako para mag-picture. Inakbayan ko siya at nilingon sa mukha. Hinalikan ko siya sa gilid ng kanyang ulo.


"Hoy, ang sweet n'yong dalawa! Tama na 'yan! Tara na!" Sigaw ni Sasha.


Natawa kami ni Cess. Kahit na maliit ang height ni Sasha, sobrang lakas naman ng boses niya. Siya 'yung naalala kong nagsusungit talaga sa akin noon nang layuan ko si Cess.


Kinuha ko ang kamay ni Cess at hinawakan iyon. Lumabas na kami ng store at nagpunta sa sinehan. Habang bumibili ng ticket ang mga girls, inutusan nila kami ni Gab bumili ng pop corn at milktea.


Nagkibit-balikat na lang si Gab saka inakbayan ako. "Bro, tandaan mo gusto nila." Aniya.


Napangisi ako. "Okay."


Pagkarating namin sa isang milk tea store, sinabi ko ang orders ng mga kasama nila. Hindi naman mahirap ang mga gusto nila. Sina Cess at Sasha ay parehong wintermelon. Sina Paula at Kim ay parehong Okinawa. Bumili rin si Gab at ginaya na lang ang flavor ng sa girlfriend niya. Hindi ako bumili dahil hindi ko gusto ang lasa ng milk tea. I prefer coffee kaya bumili na lang ako ng iced coffee.


Pagkatapos ay bumili na rin kami ng pop corn. Naabutan namin ang mga girls na naghihintay sa amin malamin sa entrance ng cinema. Pumasok na kami sa loob at nakabukas pa ang ilaw kaya madali naming nahanap ang seats.


Inabot ko kay Cess ang milktea niya at hinawakan ko ang pop corn namin. Nag-umpisa na ang movie at puro lang kami tawa. It's a comedy movie. Mabuti na lang ito ang napili nila.


Pagkatapos ng movie, naghintay kaming dalawa ni Gab sa labas dahil nag-cr muna ang apat na girls. Sunod na nag-aya sila karaoke. Napailing ako. Nagkakatuwaan na sila. Hindi ko inexpect na ganito rin pala sila kasaya kapag magkakasama silang magkakaibigan. Palagi akong napapalingon sa mga ngiti at tawa ni Cess.


"Theo! Ikaw naman!" Sigaw ni Sasha.


"Ha?" Tinuro ko ang sarili ko. "Hindi ako marunong kumanta."


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon