V

18 1 0
                                    

Hindi talaga ako pinuntahan ni Theo kinagabihan. Nagawa kong sabihin sa mga kasama ko ang nangyari kaya medyo nahimasmasan ako at natigil sa pag-iyak. Hindi na nag-dinner si Lyra sa apartment dahil kailangan na nilang umuwi ng anak niya. Sumabay na si Dean sa pag-alis para mahatid na rin sina Lyra sa kanila.

Sinabihan ko si Celine na magli-leave ulit ako bukas sa trabaho. Okay lang naman dahil may leave credits pa ako at nag-inform naman ako sa Team Leader namin na masama ang pakiramdam ko.

Pinagmasdan ko ang cellphone ko at tinitigan ang huling text ni Theo.

Theo:

If you're just gonna break up with me, I won't meet you.

Hindi ko iyon na-replyan dahil umiyak na lang ako at nagkwento sa mga kasama ko. I wonder if I should text him now or call him?

In the end, I still miss him and I want to talk to him. Pero hindi ko siya magawang tawagan. Natatakot akong baka hindi niya sagutin ang tawag ko.

Ako:

Did you eat dinner?

Lumakas ang tibok ng puso ko nang mag-reply agad siya.

Theo:

Just finished. Ikaw?

Ako:

Tapos na rin.

Ilang minuto ang nakalipas pero wala na siyang reply. Is he afraid of asking or texting back?

Ako:

I'm ready to hear your explanation for yesterday.

Still, wala akong natanggap na reply pagkatapos ng ilang minuto. I know, he's still scared that even though I told him I'm ready to listen, he's thinking I'll still break up with him.

Magta-type na sana ako pero lumitaw ang pangalan ni Theo sa phone screen ko. He's calling. Literal na nanginginig ang daliri ko nang i-swipe ko ang screen para sagutin ang tawag niya.

"Mahal..."

Nanikip ang dibdib ko. Iyong pagtawag niya sakin, para bang ilang araw na niya akong hindi nakikita kaya sobrang miss na niya ako, boses niya na parang gusto niya na akong makita ngayon din, boses niya na nagmamakaawa, at boses niya na nasasaktan. Pinaghahalo ang mga iyon when he called me.

"Sorry, are you tired from work? Gusto mo na ba matulog?" Tanong ko.

"No. I miss your voice... and I miss you." Humina ang boses niya nang sabihin ang 'I miss you'

"I miss you too." Sabi ko.

"Let's sleep. Maaga pasok ko bukas, nakipag-shift trade 'yung isang kasama ko and may pasok ka rin. Good night, Mahal. I love you so much."

I bit my lip. Hindi ko sinabi na naka-leave ulit ako bukas. Hindi ko alam kung alam ba niyang hindi rin ako pumasok kanina sa trabaho. Pero sumuko na lang ako. Pupuntahan ko na lang siya sa trabaho bukas bago siya mag-out.

"Oh? Sino? Anong oras pasok mo niyan?"

"6am. May aasikasuhin kasi sa umaga si Jonnie. Remember him?"

Napangiti ako. "Yeah. The guy who has a crush on you."

He chuckled. "Don't put it that way. He's just too friendly with men."

"Especially you?" Tumawa rin ako.

"Haha, whatever. Kung hindi lang ako pinakiusapan directly ng Supervisor ko, I would turn down the request."

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon