Kabanata 25
We're back to school. Tapos na ang holiday vacation at mabuti na lang natapos ko ang mga nakatenggang homeworks and projects. May iba rin si Cess na tinulungan ko siya. Dahil sa malapit lang ang area namin sa kanila para bang parati akong nandun sa kanila nung bakasyon at simula nang maging kami. Natutuwa naman ako dahil wala naman sinasabi ang mga parents namin, lalo na ang mga magulang ni Cess, minsan daw ay tinatanong siya kung pupunta ba ako para makapag-luto sila ng pagkain. Sina Mommy at Daddy naman ay tinatanong ako kung kailan bibisita ulit si Cess sa bahay.
"Mauna ka na, Shey. Ayusin ko lang pag-park ng kotse." Sabi ko sa kapatid ko nang makarating na kami sa school.
"Okay. See you later!"
Lumabas na siya ng sasakyan at umalis. Inayos ko ang pagkaka-park ng sasakyan. Pagkatapos ay tumunog ang phone ko dahil sa text ni Cess. Binasa ko agad 'yon.
Love ❤️ :
Sabay ba tayo ng lunch mamaya?
Ako:
11:30 vacant namin.
Love ❤️ :
Aw, okie. 1 pa ako available. ☹️
Ako:
Sorry. Text mo ako agad kung sakaling walang prof. I'll let you know too.
Love ❤️ :
Okay. See you later, love!
Hindi na ako nakapag-reply nang mapansin ko ang sasakyan ni Dean. I was expecting Celine to come out with him, but it was a different girl. Pagkababa ng sasakyan ni Dean, kumapit agad ang kamay niya sa baywang nung babae saka hinalikan 'to sa pisngi.
Napailing ako. What is he doing? Paano kung makita siya ni Celine? Bakit hindi niya seryosohin ang kaibigan namin? Ano ba kasing naisip niya bakit niya pinatulan si Celine kung hindi naman siya seseryoso?
Matagal ko nang alam ang tungkol sa kanila ni Celine pero hindi pa alam ni Dean na may alam ako. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko rin siya makausap saka ayoko rin talaga makialam muna sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ba akong manghimasok sa relasyon nilang dalawa.
Hinintay ko munang makalayo sila bago ako lumabas ng sasakyan. Dumiretso ako sa room namin at nakita kong nandun na silang lahat. Binati nila ako kaya binati ko rin sila. Kahit ang iba naming mga kaklase nilapitan at binati ako. They're all congratulating me for having a girlfriend, isa pa si Cess ang girlfriend ko. I think Cess is quite famous in the university.
Natigil lang ang mga kaklase ko nang dumating na ang prof namin. I was still being bothered with what I saw. Minsan hindi ko napapansin na napapalingon na pala ako kay Dean o kaya kay Celine. Hindi ko alam kung napapansin ni Dean dahil magka-linya kami, si Celine naman ay nasa harap naming boys.
Nang vacant namin, nag-aya na silang mag-lunch sa cafeteria. Tinext ko si Cess pero may prof pa rin daw sila. Medyo naeexcite ako kapag iniisip kong magkakasabay kaming dalawa ni Cess na mag-lunch sa school. Siguro mahihiya ako kung makakaagaw kami ng atensyon. Pakiramdam ko hindi malabong hindi mangyari iyon dahil nga medyo sikat ang girlfriend ko lalo na sa mga estudyanteng lalaki rito.
Pagkatapos kumain, naaalala ko pa rin ang nakita ko kay Dean kanina. Para bang wala lang sa kanya, para bang sanay siyang mag-cheat? Okay sila ni Celine, para bang walang alam si Celine na niloloko siya ni Dean. Alam ko hindi sila nagpapahalata sa mga kaibigan namin dahil ayaw ni Celine na malaman ng iba na may relasyon sila ni Dean. Pero dahil may alam ako at may nakita ako kanina, nag-aalala ako para kay Celine.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...