Kabanata 28

45 1 0
                                    

Kabanata 28


Summer vacation. Last year, nagplano ng Vigan trip ang mga kaibigan ko. Ngayon kami dapat aalis lalo na't pinayagan kami lahat ng parents namin. Saka ko na lang naalala na ngayon pala ang alis dapat kung hindi lang ako tinanong ni Mommy.


"Theo, akala ko ba pupunta kayo ng Vigan kasama mga kaibigan mo?"


Napatitig ako kay Mommy. Nginitian ko na lang siya at sinabing hindi na tuloy. Walang alam si Mommy na nagkagulo kami, na awkward na halos ilang buwan na ang nakakalipas. Nagkakausap pa rin naman kami at magkakasama nina Dale, Troy, Hazel, at Lyra pero hindi na ganun kasaya ang vibes ng dalawang girls. Si Celine tuluyan nang lumayo sa amin. Hindi niya pinapansin si Dean kapag nasa paligid kami o sa klase. Si Dean naman ay okay pa rin sa aming boys at kay Hazel. Si Lyra lang talaga ang hindi pumapansin sa kanya kaya siya na mismo rin ang nag-adjust, hindi siya sumasabay sa amin kapag lunch. Iniisip ko na lang na kasama niya si Celine para kahit paano hindi sila parehong mag-isa.


Nalulungkot ako. I even confided with Shey. Nagawa kong mag-open sa kapatid ko, para akong babae habang nagsasabi sa kanya ng problema ko. Dumating kasi ako sa point na inoverthink ko ang pangyayari. Hindi ako makatulog sa gabi dahil iniisip ko ang nangyari, iniisip ko ang mga dapag kong ginawa. Iniisip ko na sana hindi ko na lang sinabi kay Cleo, sana pinigilan ko ang sarili ko magsabi sa kanya. But I was thinking, I was blinded by my feelings for her. I was so comfortable with Cleo since we always share our problems with each other. Pero hindi ko pinag-isipan mabuti. The problem revolves around us at hindi lang ako ang magiging apektado.


Shey saw through me. Siya mismo ang ang nag-umpisang kausapin ako at bigla ko nalang sinabi sa kanya ang lahat. May ideya na siya sa nangyari dahil sinabi ni Troy pero sa akin niya narinig ang lahat ng detalye at kung anong nasa isip ko. I was so thankful that I had my sister that time. Nabawasan ang pag-iisip ko at unti unti kong tinanggap ang nangyayari sa aming magkakaibigan.


Chineck ko ang group chat namin. No one dared to leave the chat group pero hindi na siya ganun kaingay. Wala na masyadong chats. Kahit ngayon, walang nagchachat o nagpapa-aalala na dapat ngayon ang alis namin papuntang Vigan.


Naramdaman kong tumabi si Shey sa akin at binuksan niya ang tv. Nasa sala kami at wala kami parehong magawa ngayong bakasyon. I intend to buy more books dahil wala na akong spare books sa kwarto na hindi ko pa nabasa. Nung umpisa ng bakasyon, binilhan ako ng libro ni Cess pero natapos ko rin agad.


"Can we also go out?" Tanong ni Shey.


Nilingon ko siya. "Huh?"


"Ah no! Magchachat ako sa gc natin."


Mayroon din kaming gc for family. Kasali ako, Shey, Chace, Kuya Stan at girlfriend niya, Mom and Dad, Tita Sheena and Tito Benedict. Nakita ko agad ang chat niya.


Aurora Shelthiel: Outing tayo!!!

Chace: G!!

Maddie: Let me know when so I can plot my leave.

Mommy Santos: Gusto ko 'yan. Next week kaya?

Maddie: Hindi ako pwede next week, Tita. I need to plot my leave 2 weeks ahead. :(

Stanley: End of month, birthday ni Tita Sara.

Mommy Santos: Oh yeah! I forgot Ate's birthday.

Daddy Greenfield: Let's rent my friend's resthouse in Batanes.

Aurora Shelthiel: Ayuuun! Thanks, Daddy!


Napangisi ako sa mga nababasa ko. Sina Mommy't Daddy, Tita Sheena at Tito Benedict lang ang nilagyan ng nickname ni Chace sa gc.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon