Kabanata 14

20 0 0
                                    

Kabanata 14


The guy's name is Yoshua. Mukha siyang freelance model, parang si Dean maganda ang katawan niya, mukhang alaga sa gym. Maputi siya, may pagka singkit ang mga mata, matangos ang ilong, sobrang layo sa kagwapuhan ni Zed.


Tinanggal ko na ang profile niya sa phone ko, nag log out ako sa Instagram. Tumunog ulit ang phone ko dahil sa messages nina Dean.


Dean: Look at what Cleo's wearing. I support her going out but it seems like she's trying hard to fit in.

Dale: It doesn't seem like she's trying hard.

Dean: You don't understand girls the way I do.

Troy: Let's just wait for her to talk to us.


Humiga ako sa kama ko at sinapo ang noo ko. Binitawan ko na ang phone ko at pumikit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nasasaktan ako. Mauunahan na naman ba ako ng ibang lalaki?


Buong araw kong hindi pinansin ang cellphone ko. Nagbasa na lang ako at nanood. Mabuti na lang hindi rin ako ginulo ni Shey dahil nasa kwarto lang ako buong araw.


Pagkabalik sa school, iyon pa rin pala ang usapan. Nagtataka na rin sina Hazel at Lyra kung anong nangyayari kay Cleo. Si Celine naman ay pumasok na rin at mukhang okay naman siya. Nagtatanong na rin siya nang tungkol kay Cleo. Syempre sa akin ang pansin. Hindi ko sila masagot. Wala naman sinasabi sa akin si Cleo.


Sa araw araw na lumilipas na hindi ko nakakausap si Cleo, hindi ko masabi kung nasasanay na ako. Bilang na bilang na lang ang mga texts niya sa akin. Ako na mismo ang hindi nagrereply minsan kung wala naman siyang tanong na importante.


Birthday na namin ni Shey. I tried to text Cleo to remind her, baka kasi masyado na siyang busy sa mga bago niyang kasama at nakalimutan ang birthday ko.


"You're so pretty, Shey." Sabi ni Troy.


Kasama namin siya sa kwarto ngayon samantalang ang mga kaibigan namin ay nasa garden na. Tinapik ako ni Troy sa balikat.


"Thank you!" Nakangiting sabi ni Shey.


"Makakarating daw ba si Cleo?" Tanong ni Troy.


"Hindi naman siya nagreply." Sabi ko.


Ilang beses ko na ba sinabi sa kanila na hindi ako nirereplyan ni Cleo? Kahit ganun parati pa rin nilang tinatanong si Cleo sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano pero hinahayaan ko na lang.


Pagkatapos maayusan ni Shey, lumabas na kami at binati sandali ang kanya-kanya naming mga kaibigan. Nag-start na rin ang party. Wala naman akong masyadong ginawa pero nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi ako sanay sa ganito karaming tao. Pagkatapos ng event, kinailangan puntahan ang mga bisita para magpasalamat sa pagpunta. Nang makalaya na kami, pinuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko.


"Hm! Nandito raw si Cleo!" Sigaw ni Hazel habang nakatingin sa phone niya.


Lahat kami napalingon sa kanya. Tumingin siya sa labas at sumunod ang mga tingin namin. Nakita ko si Cleo kasama ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha nung lalaki.


"Hindi ba siya 'yung kasama ni Cleo sa picture?" Bulong ni Dale.


Saka ko naalala. Bakit ko nga ba makakalimutan ang mukha ng bagong umagaw kay Cleo sa akin? Nang makalapit na sila, binati ako ni Cleo at inabot ang regalo para sa akin. Niyakap niya ako. Sumaglit din siyang lapitan si Shey para batiin at ibigay ang regalo. Bumalik din siya ulit sa table namin.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon