Kabanata 13
Hindi ko pa ulit nakakausap si Cleo matapos kong sabihin sa kanya ang nakita ko kina Celine at Dean. Puro good morning texts lang ako at wala siyang reply. Saturday ngayon at umaasa ako na mareplyan na niya ang text ko.
Wala rin akong narinig mula kina Celine at Dean. Hinihintay kong sugurin ako ni Dean pero walang ganun na nangyari. Ganun pa rin ang trato niya sa akin, walang nagbago sa kanya. Si Celine naman ay hindi pumasok nang buong linggo nun simula nun. Wala naman sinasabi si Dean.
"Ikaw naghatid sa kanya diba? Wala ba siyang nasabi?" Pangungulit ni Hazel kay Dean nang nasa pantry kami.
"Wala nga. Hinatid ko lang siya sa apartment niya."
"Akala ko ba may emergency? Bakit sa apartment siya umuwi?"
"Doon siya nagpahatid, kumuha siya ng gamit pero pinaalis na niya ako. Susunduin daw siya ng kuya niya."
Sumuko na sina Hazel at Lyra sa pangungulit kay Dean. Siguro ay hindi rin nila makontak si Celine. What have I done?
"Theo!" Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw ni Shey sa labas ng kwarto.
Binuksan niya ang pintuan at sumilip.
"Ano?"
"Jogging tayo." Ngumisi siya.
Napabuntong-hininga ako. Nagpalit ako ng damit at nagsoot ng sapatos. Nasa labas siya ng kwarto ko naghintay. Nagpaalam muna kami kay mommy bago lumabas at nag-jogging sa subdivision. Huminto kami nang makarating kami sa park. Maraming mga bata ngayon dahil Sabado, wala silang pasok.
"Here," inabot ko sa kanya ang tumbler na bitbit ko. Hindi siya nagdala kaya share kami sa tubig.
"Thanks!" Ngumiti siya. "Kailangan ko magbawas para sa isosoot kong gown sa debut natin."
Natawa ako. "Oo, ang taba mo na."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Totoo?" Ngumuso siya.
Ginulo ko ang buhok niya. "Joke lang!"
"Hmp! Hindi ako naniniwala! Magbabawas ako! May one month pa ako!"
"Less than a month." Pagtatama ko.
"Whatever." Inirapan niya ako.
Nagpalipas muna kami ng oras sa park para magpahinga. Sumandal ako sa bench na inuupuan namin at tumingala para pagmasdan ang langit. Naramdaman ko rin na ginaya ako ni Shey. Tipid akong ngumiti.
Hindi ko maiwasan hindi mapaisip. My future, Shey's future. Will I be able to find a wife? Will she be able to find a husband? What will happen to us when that time comes? Magiging ganito pa rin kaya kami kaclose? Pagseselosan ko ba ang asawa niya? Gusto kong matawa. Bakit ako magseselos?
Kapag naiisip ko ang future, pinapangako ko sa sarili ko na kikilitasin ko ng maayos ang mapapangasawa ni Shey. Maraming napagdaanan sina mommy at daddy. Ilang beses umalis si mommy sa puder ni daddy pero sa bandang huli, sila pa rin. Magkakasama kami ngayon.
Ayaw ikwento ni mommy ang nakaraan nila ni daddy. Tanging kay Tita Sheena lang namin nalalaman ang mga iyon. Mahilig magkwento si Tita Sheen sa nakaraan niya kaya tuwang-tuwa sina Shey at Chace.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...