Nakapatong pa rin sa side table niya ang mga pictures naming dalawa. Inexpect ko bang tatanggalin niya dahil lang sa nakikipag-break ako sa kanya? Pinagmasdan ko ang isang picture frame na kinuhanan noong mag-celebrate ako ng Christmas sa kanila. We wore a couple santa shirt and even though I celebrated Christmas eve with them, I still didn't sleep over. Nagpahatid pa rin ako kay Theo pauwi. In the end, siya ang nag-sleep over sa apartment.
Nakaupo ako sa gilid ng kama niya at naramdaman ko ang pagyakap ng mga kamay ni Theo sa baywang ko. He's behind me. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga. It's like every breath tells me he misses me so much. And so do I.
"I miss you." He finally said.
Binaba ko ang picture frame na hawak ko at hinawakan ang mga kamay na nakayakap sa baywang ko. Kahit sobrang lakas ng force sa utak ko na bawiin na lang lahat, hindi pa rin masabi sabi ng bibig ko. There's still a part of me that don't want to accept or continue our relationship if I'm still confused. I'm not confused with my feelings. Hindi ko lang kayang makipagbalikan kay Theo at ituloy ang relasyon namin kung hindi ako buo.
He was incomplete during our relationship, I know that even though he might not admit it. I may also be incomplete that time because of the pain I've been trying to keep. And now that Theo's fine, I'm still not. There's no point in relationship if one of us is not complete.
I miss you too. Gusto ko rin sabihin sa kanya iyon. In the end, hinayaan ko lang na ganun ang posisyon namin. He's backhugging me and I can feel his lips on my shoulder.
How can I fix myself? How do I find myself? I have no answers to my questions. Nakipag-break ako kay Theo nang walang kasiguraduhan. Nakipag-break ako sa kanya na walang plano kung paano ko aayusin ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano aayusin ang sarili ko kung hindi ko mismo alam kung ano ba dapat ang aayusin ko. And because of this, I'm being confused.
Nakarinig kami ng katok sa pintuan. Umangat ang tingin ko.
"Anak, food's ready." Dinig kong sabi ng Mommy ni Theo.
"Yeah." Sagot lang ni Theo.
Narinig na namin ang footsteps na papalayo pero hindi pa rin bumibitaw si Theo sa akin. I tried to look at him. Nag-init ang pisngi ko nang makitang nakatitig na pala siya sa akin. Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa tiyan ko at mas bumigat ang mga tingin niya.
"I'll always use my family just to be with you and until you accept me again."
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Why? When's the last time I cried? I'm not even supposed to cry with what he said.
Bumitaw siya sa paghawak sa tiyan ko para punasan ang pisngi ko. Hinila niya ako para yakapin niya nang maayos. He held the back of my head and kissed my ear.
"What do you want me to do just so you come back to me? Hm?" Malambing niyang tanong malapit sa tainga ko. "I'll do anything except breaking up with you or not seeing you."
Hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. We just stayed like that for a few more minutes hanggang sa humiwalay na ako. Baka hinihintay na kami ng family niya sa baba. Inayos ko ang sarili ko at hindi naman halata na umiyak ako. Thank goodness!
Pagkababa namin, I saw Shey and Troy. Hindi ako makatingin ng maayos kay Troy dahil alam niya ang nangyayari sa amin ni Theo. Samantalang si Shey ay sobrang tuwa na makita ako. Nagpwesto na kami at nag-umpisa kumain.
As usual, sobrang daming niluto ng Mommy ni Theo. Habang kumakain, nag-usap usap sila at kinakamusta sina Kuya Stanley at Shey tungkol sa restaurant. Kung minsan, may itatanong din sila sa akin at nasasagot ko naman ng maayos. I'm trying my best para hindi nila mapansin na may problema ako o may problema sa relasyon namin ni Theo. I'm respecting Theo's decision if he doesn't want his family to know.
Pagkatapos kumain, nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo. Maybe because of all the pretensions I did. Hindi ko kinaya. Nasasaktan ako at naiinis ako sa sarili ko. Napakabait ng pamilya ni Theo sa akin pero nagagawa kong magsinungaling sa kanila, nagagawa kong saktan ang anak nila. I don't deserve him. And thinking that I don't deserve Theo, mas lalo akong nasasaktan dahil naiisip kong wala ng pag-asa sa aming dalawa.
"Are you okay?" Napansin naman agad ni Theo ang pananahimik ko.
"Medyo masakit ang ulo ko."
"Take a rest in my room." Aniya. "Ma, samahan ko lang si Hazel sa kwarto ko, masama ang pakiramdam niya."
"Are you okay, hija? Ikuha mo siya ng gamot, anak."
Ngumiti ako. "Okay lang po ako, Tita. Medyo sumakit lang ang ulo ko."
"Naku. May mali yata sa mga niluto ko."
"Hala, Tita, wala po. Baka kulang lang ako sa tulog. Pasensya na po."
Hinawakan na ako ni Theo at inalalayan papunta sa kwarto niya. Hiniga niya agad ako sa kama niya.
"I'll just grab some medicines."
Tumango ako.
Pumikit sandali ako dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko alam kung naka-idlip ba ako at kung ilang minuto ako nakapikit pero naramdaman ko na lang na may humalik sa noo ko. Nagmulat ako ng mga mata at nakita si Theo na nakaupo sa gilid ng kama, sa tabi ko.
"Sorry, nakatulog ba ako?"
"Maybe? 10 minutes pa lang naman. You can rest pero uminom ka muna ng gamot."
Tumango ako at inalalayan ako ni Theo makaupo. Inabot niya sakin ang isang gamot saka uminom. Inalalayan niya ulit ako makahiga.
"Sorry." Sabi ko.
"For what?"
"Ininvite ako ng family mo pero nakahiga lang ako rito."
He chuckled. "They understand. Mas gusto ko na 'tong kasama kita rito kung may sakit ka kaysa mag-isa ka sa apartment tapos hindi ko alam."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Kung ako rin ang nasa posisyon ni Theo, nagkasakit siya nang hindi ko alam dahil lang sa pinagbawalan ko siyang makipagkita sa akin at nakikipag-break ako, masasaktan din ako. Ayoko rin isipin na magkasakit siya at wala ako sa tabi niya.
"Continue your sleep." Aniya at hinalikan ulit ako sa noo.
Pumikit ako at tumango. "Don't leave me." Bulong ko bago tuluyang makatulog.
Pagkagising ko, I'm wrapped around Theo's body and arms. I couldn't tell the time, baka hapon na, baka gabi na. He's also sound asleep beside me. Pinagmasdan ko ang mukha niya. I hate what I was dreaming kaya mas pinili ko na lang na gumising. Ayokong ituloy o kontrolin ang panaginip ko this time kaya nagmulat na lang ako ng mga mata.
I dreamt of Theo. Nagkita-kita kaming magkakaibigan pero hindi na ako ang kasama niya, hindi na ako ang girlfriend niya. I'm not sure how many years had passed pero may iba na siyang girlfriend. Masakit din dahil pakiramdam ko, wala lang sa mga kaibigan namin na may ibang girlfriend na kasama si Theo at ako lang ang nasasaktan. Naisip ko, baka hindi naging kami ni Theo sa panaginip ko. O baka ako na lang talaga ang hindi nakaka-move on dahil kasalanan kong nakipag-break kay Theo at ngayong nakahanap na siya ng iba, hindi ko matanggap.
Ayokong mangyari iyon sa totoong buhay. If I become selfish, gusto ko dahil na lang sa ayaw kong pakawalan si Theo. As long as he loves me, hindi ko siya pakakawalan. But if the time comes na maramdaman niyang hindi na niya ako mahal, I won't put up a fight, I'll let him go. But just thinking about it hurts me. I don't care anymore if I'm not complete. Ayoko lang mahiwalay sa lalaking mahal na mahal ko. And I just have to be thankful dahil alam kong mas mahal niya ako. Alam kong mas matimbang ang pagmamahal niya sa akin kaysa sa naramdaman niya noon kay Cleo.
I'm not just saying this to persuade myself. It's what Theo shows to me. And I'm so dumb for taking that for granted. Hindi ko inisip kung gaano ako kahalaga sa kanya. HIndi ko inisip kung gaano niya ako kamahal. Binalewala ko kahit na nasasaktan ko na siya.
NIlapit ko ang mukha ko at hinalikan siya sa labi. Siniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin kaya pumikit na ulit ako at pinilit matulog. This time, I know, I'll have a good dream.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...