Kabanata 30
Sabi ni Cess, maaga silang nagising lahat na girls. Sila ang nagprepare ng mga foods, bale nagising kaming boys ng 8am at nakahanda na lahat sa gilid ng pool. Nandun na rin ang griller. Pagkatapos kaming gisingin ng mga girls, nag-ayos na sila para magsoot ng swimsuit.
Napanganga ako nang makita ang girlfriend ko. She's wearing a blue two-piece bikini. Ang sabi niya, nang mag-graduate kami ng high school, inayos niya ang sarili niya, nag-gym siya para umayos ang kurba ng katawan niya, nagpahaba siya ng buhok, at nagpaturo siyang mag-ayos o mag-make up.
"Love?"
Napabalik ako nang tawagin niya ako. Napakamot ako sa batok at bahagyang ngumiti. Nakakahiya! Nakita ba niya ang reaksyon ko?
"Natural lang matulala ang boyfriend sa girlfriend niya lalo na kung first time niyang makitang naka-bikini." Dinig kong sabi ni Shey sa likod ni Cess at inakbayan ito.
Nakita ko rin ang soot ni Shey. Red naman ang kulay ng bikini niya. "Shey! Why are you wearing two piece?" Ang akala ko one-piece lang ang pwede niyang isoot na swimsuit.
Tumawa ng malakas ang kapatid ko. "Mom picked this one! Ito dapat sosoot ko sa next outing natin pero meron pa naman akong extra."
Napailing na lang ako.
"Next outing?" Nagtatakang tanong ni Cess.
"Yes! Don't tell me hindi pa sinabi ni Theo sayo?"
"Hindi ko pa nasasabi, uunahan mo pa ako." Sabi ko kay Shey.
Hinila ko si Cess mula sa pagkaka-akbay niya at hinawakan sa kamay ang girlfriend ko. "Birthday ni Mommy end of month and we're planning to go to Batanes for a vacation. Sina Shey at Chace ang event organizer."
"You'll come, diba? I need help in purchasing tickets." Excited na sabi ni Shey.
"Oo naman. Magpapaalam ako sa parents ko."
Napangiti ako.
"Hey, guys! Let's go!" Tawag ni Lyra. Saka ko lang napansin na mukhang kanina pa sila nakatingin sa amin.
Nagtama ang mga tingin namin ni Cleo. Tipid siyang ngumiti. Ngayon ko lang din siya nakitang naka-swimsuit at sobrang bagay niya, sobrang ganda niya. Hindi siya katulad ni Cess na makurba ang katawan dahil payat lang si Cleo.
Nagpunta na sila sa labas kung saan ang pool kaya sumunod na rin kami. Sabay sabay kaming sumugod sa swimming pool at inenjoy ang sikat ng araw.
Pagkatapos naming magbabad sa pool, inaya ako ni Cess mag-ihaw ng barbecue at hotdogs. Habang pinapaypayan niya ang mga iniihaw namin, siya naman ang pinapaypayan ko. Nagtawanan kaming dalawa.
"I'll help."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nagulat ako nang makita si Cleo sa harap namin. Hindi na siya nakatingin sa amin at tiningnan ang mga iniihaw namin kung luto na isang side para baligtarin. Napapansin ko ang tingin ng mga kasama ko kahit nag-eenjoy silang magswimming. Kahit si Shey ay nakatingin pero sobrang sama ng tingin niya sa amin.
Hindi ko na lang pinansin pa ang mga tingin nila. Pinaypayan ko na lang din ang mga iniihaw namin. Si Cleo naman ay lumipat sa kabilang side, malapit sa akin. Para bang habol ko ang hininga ko. Akala ko hindi ko na papansinin ang mga tingin ng mga kasama ko pero ramdam na ramdam ko pa rin ang titig nila. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakitang pati si Yoshua ay seryoso ang tingin sa amin. Kinabahan ako. Sana ay hindi napapansin ni Cess, ayokong magtaka siya sa tingin ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...