Kabanata 16
Back to school na kaya 'yung kotse na ang gamit ko. It's a Honda City car, silver grey color. Kitang-kita sa mukha ni Shey ang excitement dahil ito na ang gagamitin namin papunta sa school.
"Mag-iingat kayo, mga anak." Sabi ni mommy.
Para bang first day of school na hinatid kami ni mommy hanggang sa labas ng bahay. Hinalikan niya kaming dalawa ni Shey. Nagpaalam na kami at nauna pang sumakay si Shey. May duplicate siya ng susi para kapag mauna man siya, pwede na siya makapasok sa sasakyan at doon maghintay.
"Rule no. 1, no girls allowed here, especially on my seat. Kahit pa si mommy." Sabi ni Shey habang nasa biyahe na kami.
"What?"
"Ha, no. Kung kayo lang ni mommy, okay lang dito siya sa front seat. Pero kapag kasama ako, sa backseat siya."
Natawa ako. "Are you my girlfriend?"
"Bakit? Sa atin 'tong dalawa diba?"
"Ganyan ka ba sa sasakyan ni Troy? Sumasabay sa kanya minsan sina Hazel."
"Hindi." Paputol-putol ang tawa niya. "Ayokong gawin sa kanya kaya dito ko gagawin sa sasakyan natin."
Napailing na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko. Hindi ko alam kung paano siyang girlfriend kay Troy, akala ko pabebe siya. Pero mukhang nagpapaka-mature siya sa harap ni Troy. Wala silang tawagan at ayaw niyang paghigpitan si Troy sa sarili niyang sasakyan.
Pagkarating namin sa school, nagtaka ako nang makitang naghihintay si Troy at Dean. Nakangisi silang pareho habang nakatingin sa amin hanggang sa mag-park ako at bumaba ng sasakyan.
"Galing mo mag-park ng kotse ah." Sabi ni Dean.
Nakitawa lang si Troy saka nilapitan si Shey. "Mauna na kami." Aniya na para ihatid na si Shey sa klase nito.
Naglakad na rin ako at magkasabay kami ni Dean papasok sa room. "Mukhang sanay ka na sa kotse ah."
"Hindi pa masyado." Sabi ko.
"Masasanay ka rin agad. Si Shey marunong na ba mag-drive?"
"Hindi pa. Ayaw pa ng parents namin."
Hindi na siya ulit nagtanong pa. Pagkarating namin sa room, nandun na ang mga kaibigan namin except Troy dahil nga hinatid pa ang kapatid ko.
"Pwede na ba kami sumabay sa sasakyan mo, Theo?" Pagbibiro ni Lyra nang makaupo ako.
Hindi ko alam kung matatawa ako dahil lahat sila mukhang tuwang-tuwa na kotse na ang gamit ko.
"Hindi ba kayo out of the way?" Tanong ko.
"Ano ba naman 'yan! Masyado kang seryoso, Theo!" Sabi ni Lyra saka sila nagtawanan.
Hindi ko na lang pinansin.
Dumating si Troy na halos kasabay lang ng prof namin. Nagklase na ulit at para bang namiss ko ang klase. Wala naman kasi akong masyadong ginawa nung sembreak, naaalala ko lang yata ay 'yung nagpunta kami sa mall magkakaibigan para manood ng movie and the rest sinasamahan ako ni Shey magpractice magdrive. Maliban doon, nagbabasa lang ako ng libro.
Pagkarating ng lunch, sa cafeteria lang ulit kami. Maaga nilang pinag-usapan ang paparating na Christmas break at mga gagawin nila ngayong pasko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...