Kabanata 1
Hindi ko kailanman naisip na iiyakan ko ang isang babae. Nang malaman ko na sinagot na ni Cleo si Zed, parang gumuho ang mundo ko. Is this even a simple crush? Parang hindi na. Sa kanya lang ako nahumaling ng ganito. Siya lang ang iniyakan ko.
“Theo...” Kumatok si Shey sa kwarto ko. “Can I come in?”
Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mukha kong basa ng luha. Hindi ako pwedeng makita ni Shey o nina mommy na umiiyak. “Bakit? I'm busy, Shey.”
“May sasabihin lang sana ako,”
“Sabihin mo na... just don’t come in.”
Saglit na natahimik ang kakambal ko. “Ah, hindi na pala. Bukas na lang.” Hindi ako nagsalita. “Good night, Theo!”
Natigilan ako. I know, by now, alam na ni Shey kung bakit ayaw ko siyang papasukin sa kwarto ko. She even said good night to me. Hindi niya ako kailanman binabati ng good morning o good night. And the way she talked a while ago, alam kong may alam na siya.
Bakit ko ba iniiyakan ang isang bagay na hindi ko agad binigyan ng pansin? Naging torpe ako. At kung kailan handa na akong magtapat sa kanya, saka naman siya nagkaroon ng boyfriend. First boyfriend niya pa!
Pilit kong kinalimutan ang lahat ng sakit. Ayokong makita ako ni Cleo kinabukasan na maga ang mga mata. Isa pa, baka asarin lang ako ng mga kasama namin.
Hinalikan ko na si mommy pagkatapos ko kumain. Nagmano na rin ako kay daddy. Wala si Kuya Stanley ngayon dahil maaga siyang kinailangan sa restaurant nila. Siya na ang nagmamanage ng restaurant na iyon na iniwan ng kanyang tunay na ina.
“Shey, ano? Sasabay ka ba?” Tanong ko sa kakambal kong napaka-bagal kumain.
“Oo, wait lang!” Sagot niya.
“Magpahinga ka muna habang kumakain si Shey, anak.” Sabi ni mommy.
Iniwan ko na sila doon para kunin ang bag ko sa sala. Kinuha ko na rin ang helmet at ang susi ko. Umupo muna ako habang hinihintay si Shey. Palagi kaming ganito tuwing umaga. Kahit pag-uwi ay siya palagi ang hinihintay ko. At kung magkataon man na napapaaga siya, reklamo siya ng reklamo dahil sa paghihintay sa akin.
Binitawan ko muna ang helmet ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Dean.
Dean:
Bro, nagpapatulong si Zed isurprise si Cleo.
Kumunot agad ang noo ko. Tss. Ako dapat ang gumagawa ng mga surprises para kay Cleo. Ako dapat ang kasama niya. Pero masyado akong mabagal kaya naunahan ako.
Ako:
Bakit sa atin? Hindi ba niya kaya?
Dean:
I don't know, bro. Are we going to help him?
Ako:
May magagawa pa ba ako? Sige na. Papunta na ako.
Ano naman kayang klaseng surprise ang gagawin ni Zed para kay Cleo? Napaisip tuloy ako. Gusto kong sirain ang plano niya pero hindi ako ganung tao e. Ayokong magalit si Cleo sa akin. Ayokong masira ako sa kanya.
Nang matapos na si Shey ay sabay na kaming pumasok. Wala naman siyang binubuksan na topic habang nasa biyahe kami. Ayoko na rin naman maalala pa ang kagabi. Naiinis ako sa sarili ko na nagawa kong umiyak dahil lang sa babae.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Kısa Hikaye"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...