Kabanata 22
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Magkahalong inis, tuwa, at lungkot. Tipid na lang akong ngumiti sa binulong ni Cleo sa akin.
Kinuha ko ang baso kong may lamang alak saka uminom. Nanood na lang ulit ako at ganun din si Cleo. Ilang minuto lang, siya naman ang nag-cellphone. Napasilip ako sa gilid at nakita ang pangalang Yoshua sa screen. Magkatext sila. Yoshua lang ang pangalan, baka hindi pa niya sinasagot.
Nag-iwas na lang ako ng tingin saka nanood ulit. Pagkatapos ng movie, pinatay muna nila ang tv at nag form ng circle. Nakapagitna ako kina Cleo at Dale ngayon. Nakapaikot kami sa mga pagkain at may kanya kanya kaming baso ng alak. Si Troy ay napilitan ibaba ang phone. Naiimagine ko na ang inis ng kapatid ko.
Nagkwentuhan lang kami at naisipan nilang maglaro. Syempre, truth or dare. Hindi ko gusto ang laro na 'to. I've never tried it pero it doesn't give you the right choice.
Pinaikot na nila ang bote at tumutok ito kay Cleo. Nakahinga ako ng maluwag dahil inexpect kong sa akin hihinto ang bote.
"Truth or dare?" Tanong nila.
Natatawang sumagot si Cleo. "Dare na lang muna."
"Walang hard feelings dito ah?" Sabi ni Lyra. "Hug the most important person to you. In this circle only."
Walang pagdadalawang isip na humarap si Cleo sa akin at niyakap ako. Nanlaki ang mga mata ko. Dapat ba akong magulat? O dapat expected ko na 'to?
Nagtilian ang mga girls. "Okay next!"
Pinaikot ulit nila ang bote. Hindi nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko. What is happening to me?
Huminto ang bote kay Lyra. Nagtawanan sila, I guess payback time for them. Nilingon ko si Cleo sa gilid ko. Napakalaki ng ngiti niya. I've known her smiles and this is genuine. Is she happy because we're here? Is she happy because she hugged me? Ang dami kong gustong itanong sa kanya magmula nang huling pagkikita namin pero ni isa wala akong matanong. Pinipilit ng bagong ako na wala ng sense itanong, I should have moved on. Girlfriend ko na si Cess and I shouldn't hurt her.
Napabalik na lang ako sa sigawan nila at nakita si Lyra na tinuturo ako. Napaturo rin ako sa sarili ko habang nagtataka sa nangyayari. Anong pinili niya? Anong tinanong sa kanya?
"Huh?" Nilingon ko si Dale.
Ngumisi siya at tinapik ako sa balikat. "I see you're our girls' favorite, Theo."
"Sorry, anong nangyari?" Bulong ko.
"Tinanong kung sinong pwedeng ideal guy niya sa ating tatlong lalaki na nandito."
Nag-init ang tainga ako. Ako? Ideal guy ni Lyra? Umiling ako. Wala lang siyang ibang choice dahil 3 lang kaming lalaki na nandito ngayon. At kahit siguro nandiyan si Dean, hindi siya pipiliin dahil playboy siya.
Pinaikot na naman nila ang bote at huminto ito kay Troy. "Damn!"
"Truth or dare?"
"Dare,"
"Hm, wala akong alam ipagawa." Sabi ni Lyra.
"Wala rin ako." Sabi ni Hazel.
"Ako! Ako!" Nagtaas ng kamay si Cleo.
Humalakhak si Troy. "Huwag mo akong ipahamak, Cleo."
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...