Kabanata 9
Dumating ang sports fest halatang halata ang pagka-excite ng mga girls dahil sa walang pasok at makikita namin ulit si Cleo. Nag-promise siya na pupunta siya sa first day ng sports fest at susubukan kung makukumpleto niya ang 3 days.
Sa first day ng sports fest, gathering ng mga estudyante sa school, announcement ng mga activities, at schedule ng mga laro. Pero nakapaskil naman iyon sa kanya kanyang department bulletin kaya hindi naman mandatory ang pag-attend except sa mga players. Sina Dean at Troy na nasa basketball team, kailangan umattend. Syempre, ayaw mahiwalay ng girls kaya nakisali na kami. Nakita ko sa hindi kalayuan si Shey kasama ang mga kaibigan niya. She's looking at Troy.
Bakit hindi ko napansin ito agad? Puro crush lang ang mga nababanggit ni Shey sa akin noon. Marami siyang crush at minsan nawawala agad. Pero nang lapitan siya ni Troy, nagawa niya akong hindi pakinggan, sinundan niya ang nararamdaman niya, doon siya masaya kaya kahit pa ayaw ko, mas pinili niya ang sarili niya. Sino nga ba ako para hadlangan ang kapatid ko sa kasiyahan niya?
Sa Sunday, pupunta si Troy sa amin para ipakilala ni Shey sa parents namin. Darating din sina Kuya Stanley at girlfriend niya. Napaka-cool lang din nina mommy't daddy. Excited sila pareho na may ipapakilala si Shey sa kanila. I also couldn't imagine kung sakaling may ipakilala rin ako sa kanila. Hindi sila tulad ng ibang parents na pagbabawalan kami dahil wala pa kami sa tamang edad. Ang sabi ni daddy, natural lang sa aming teenagers ang makaramdam ng pag-ibig at mabuting ma-experience namin agad. Si mommy naman pinapaalala sa amin kung ano ang tama at mali.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Chineck ko at nakitang may text si Cleo.
Cleo:
Nasa gate na ako.
Ako:
Okay. Hintayin mo na ako diyan.
Tinapik ko si Dale. "Nasa gate na raw si Cleo."
Napalingon ang girls sa amin. "Sunduin mo na, Theo. Magkita na lang tayo sa pantry, ilang minuto na lang din naman 'to."
Nagtaka ako sa sinabi ni Celine. "Huh? Hindi ko ba siya dadalhin dito? Saka hindi kayo sasama?"
Napangisi si Lyra. "We are giving you solo time, Theo."
"May utang ka sa amin niyan." Tumawa si Celine.
Napahawak ako sa salamin ko at inayos 'to. "Hindi naman kailangan-"
"Ayaw mo bang magkautang ka sa amin?" Tumaas ang kilay ni Celine.
"Hindi naman sa ganun."
"Bro, sige na, pakinggan mo na sila." Nakitawa na si Dale sa kanila.
Nagpaalam na ako at iniwan sila roon. Naghalf run ako papunta sa gate at nakasalubong ko si Cleo na papasok na. Sabi ko hintayin niya ako.
"Theo!" Kitang kita ko ang tuwa sa mukha ni Cleo habang palapit sa akin. Niyakap niya ako. "Nasaan ang iba?"
"Nasa auditorium, sa pantry na raw nila tayo kikitain." Sabi ko.
Napangiti si Cleo. "Sakto! Gutom na ako."
Natawa ako. "Tara."
"Libre mo ba?"
"Sige," sabi ko.
Tumawa si Cleo. "Joke lang! Tara!"
Nagpunta kami sa pantry at nag-order na siya ng pagkain. Hindi niya ako hinayaan magbayad sa pagkain niya. Siya lang ang nag-order dahil hindi pa naman ako gutom. Para bang kailan lang nang wala kaming iniisip at masaya kaming magkakasama noon. Ngayon, nakikita ko na ang lungkot sa kanyang mga mata. Masaya siya, ngumingiti at tumatawa, pero nakikita ko na ang lungkot sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...