Kabanata 4
Sinubukan ko katukin sa kwarto si Shey para makausap pero tumanggi siya at hindi ako pinagbuksan. Hinayaan ko na lang pero naabutan ako ni Kuya Stanley.
"May problema ba si Shey?" Pagtataka ni Kuya Stanley.
"Wala, kuya." Napakamot ako sa batok.
"Tantrums?" Ngumisi siya.
"Most probably." Tumawa kami.
Kinabukasan sa school, binalitaan kami ng mga girls na nakausap na nila si Cleo at papasok na siya ngayon pero sa 2nd subject pa. Nakapagkwento si Cleo kung anong nangyari sa kanya at kung anong problema nila ni Zed. Aniya'y nahuli niya ang kanyang boyfriend na may ibang babae noon pa mang nanliligaw pa lang siya. So, umpisa pa lang niloloko na ni Zed si Cleo, at hindi alam ni Clint.
Kumuyom ang kamao ko. "Bakit hindi alam ni Clint? Kaibigan at kapatid niya ang involve." Sabi ko.
"Ayaw sabihin ni Cleo sa kuya niya dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila."
Bigla akong napalingon kay Troy pero nag-iwas lang siya ng tingin. "Mas pipiliin ba ni Clint ang kaibigan kaysa sa kapatid niya?"
"Theo, kumalma ka. Naiintindihan namin si Cleo, saka nasasaktan siya ngayon. Kailangan niya ng makakaramay ngayon, hindi ang pagsabihan siya." Ani Hazel.
"Tama. Let's be there for her." Sang-ayon naman ni Lyra.
Tinapik ako ni Dean. "Bro, chill."
Hindi ko na lang sila pinansin at hinintay na matapos ang first subject namin. Nang dumating si Cleo, napansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata at lungkot na aura niya. Nagkatinginan kami pero nag-iwas siya agad ng tingin. Galit ba siya sa akin o nagtatampo?
Nasa pantry kami at nagla-lunch, katapat ko si Cleo pero hindi niya talaga ako binibigyan ng pansin. Napapansin na rin ng mga kasama namin.
"Cleo..." sinubukan kong kuhanin ang pansin niya.
"Bakit?" Malamig niyang tanong.
Nalaglag ang panga ko. Umiling na lang ako saka tinapos kumain. Nagpaalam agad ako sa kanila at nauna nang umalis. Naglakad-lakad na lang muna ako hanggang sa makita ko si Zed. Hindi niya kasama si Clint ngayon. Binilisan ko ang paglalakad at kinausap siya.
"Zed,"
"Oh, Theo."
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Para saan?" Pagtataka ni Zed.
Hindi ko siya sinagot at naglakad na. Hindi ko alam kung saan kami mag-uusap pero may nakita akong bakanteng room. Pumasok ako roon at mabilis naman nakasunod si Zed. Sumandal siya sa teacher's desk at humalukipkip.
"Is this about Cleo?" Tanong niya.
Nakakuyom ang kamao ko. "Paano mo nagawang saktan si Cleo? Harap-harapan pa sa kuya niya."
"Hindi naman ikaw ang kuya. Saka wala ka naman karapatan makisawsaw sa problema namin ni Cleo. Girlfriend ko siya, kaming dalawa mag-aayos ng problema namin."
Hindi ko napigilan ang pagsugod sa kanya. Kinwelyuhan ko siya. Bakit parang nagbabago ako? I used to be a calm person. "Huwag mong sasaktan si Cleo!"
Ngumisi si Zed. "Gusto mo siya diba?"
Nanlaki ang mga mata ko at napalayo sa kanya. Hindi ako nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang
Short Story"Masakit malaman na ang taong mahal ko ay may mahal na iba. Masakit makita ang taong mahal ko sa piling ng iba. Masakit umasa na sana ako na lang ang mahal niya. Sana ako na lang ang makita niya. Sana ako na lang nasa tabi niya. Sana ako na lang ang...