Kabanata 8

28 0 0
                                    

Kabanata 8


Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at bumalik na agad ako sa kwarto ko. Pinagmamasdan ko lang ang cellphone ko at nagdadalawang-isip kung itetext o tatawagan ko ba si Cleo. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


Nakarinig ako ng katok sa pintuan, lumapit ako rito at nakita si Shey. Nakangisi lang siya nang lagpasan ako at pumasok sa kwarto ko. Umupo siya sa kama ko at tiningnan ako.


"I bet sinabi na ni Troy sayo." Sabi ko.


"Syempre." Humalakhak siya. "So, anong iniisip mo? Natatakot ka ba maunang magtext sa kanya?"


"Hindi naman sa natatakot."


"E ano? Kinakabahan ka?"


"Oo."


"Tss. Bakit ka ba kinakabahan? Ano bang gusto mong sabihin kay Cleo? Hindi ba alam na niya nararamdaman mo?"


Napakamot ako sa batok ko. "Oo. Pero..."


"Hay nako, Theo! Do you need my help?"


Tinago ko agad sa likod ko ang cellphone ko. "Hindi. Wala akong tiwala sayo."


Humalakhak si Shey. "OA mo ah. Anyway, if you need my help, I'll be right next door. Bye, Theo. Goodluck!" Hindi natanggal ang ngisi niya nang lumabas na sa kwarto ko.


Umupo ako sa kwarto ko at pinagmasdan ulit ang phone ko. Nanginginig pa yata ang kamay ko. Ano bang sasabihin ko? Tatawagan ko ba siya? O text na lang?


Sa kakaisip, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa alarm ko kaya naghanda na ako para pumasok. Pagkarating sa school, nagtanong agad ang mga kasama ko kung kinausap ko na ba si Cleo.


"Ang torpe mo talaga, bro!" Natatawang sabi ni Dean.


"Gusto mo na bang sabihan namin si Cleo para siya maunang magtext sayo?" Tanong ni Lyra.


Umiling agad ako. "Hindi. Ako dapat ang mauna."


"I'm sure she's waiting for your text or call at least." Sabi ni Celine.


"Ano bang tulong mabibigay namin, Theo?" Tanong ni Dale.


"Wala. Ayos na sa akin na sinusuportahan ninyo ako sa nararamdaman ko para kay Cleo."


"Basta if you need help, sabihan mo kami, okay? Huwag kang lalayo!" Nanlisik ang mga mata ni Celine.


Napangiti ako. They're really my friends. I just need to find courage to reach out to Cleo. Hindi pwedeng hindi na kami magpansinan. Hindi ko kakayanin. Pero kapag hawak ko na ang cellphone ko, naaalala ko ang araw na umamin ako sa kanya . And it wasn't a cool confession.


Nag-umpisa na ang klase at hindi pa rin ako masyadong makapag-focus. Iniisip ko kung anong pwede kong sabihin kay Cleo. Iniisip ko kung paano ko siya kakausapin. Iniisip ko kung anong mangyayari sa amin, awkward ba o hindi?





Lunch time, sabay sabay kami nagpunta sa pantry. Nakapag-order na kami ng pagkain at sabay na kumain. Habang kumakain, nakita ko si Cess at mga kaibigan niya na papasok sa pantry. Nagkatinginan kaming dalawa. Napansin ko rin ang pag-irap ng mga kaibigan niya. Alam na siguro nila ang nangyari. Hindi ko naman sila masisisi. Kaibigan nila ang babae at sino ba ako para tanggihan ang nararamdaman ni Cess para sa akin. Pero mas mabuti na ito kaysa naman sa paasahin ko siya. Hindi ko kayang makasakit ako ng ibang tao. Hindi bale nang ako ang masaktan.


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon