Hindi makapaniwala si Maximo sa kanyang narinig, mukhang nabingi na yata siya sa last operation nila, tama ba ang narinig niya? Babantayan niya ang babae na fiancee nito para sa virginity nito? ang di makapaniwala na sabi ng isipan ni Maximo, kung tama man ang kanyang narinig, ganun na ba ito kabaliw?
Isang singasing ang lumabas sa kanyang ilong at umiling ang kanyang ulo, "no seriously ano talaga?" ang muling tanong niya at nakuha pang ngumisi ng kanyang labi.
"Sono serio," ang seryosong sagot nito sa kanya at diretsong nakatangin ito sa kanyang mga mata habang nakasandal ang likod nito sa sandalan ng armchair at nakadekwatro ang mga binti nito.
At nawala ang ngisi sa mga labi ni Maximo at parang pinompiyang ang kanyang mga tenga.
"You've got to be kidding me," ang inis na sambit ni Maximo saka tilak niya sa kanyang sarili gamit ang kanyang mga bisig para siya tumayo at tinalikuran niya ang may edad nang lalaki.
"Fai questo lavoro e tutto sara dimenticato, sarai libero," ang sambit nito sa kanya sa wikang Italyano na nagpatigil sa kanya sa paghakbang palapit sa nakapinid na pinto.
Naisip niya ang sinabi nito, at napabuntong-hininga siya, saka siya nagtanong nang hindi lumilingon rito.
"Everything?" ang tanong niya.
"Si, everything" ang mariin nitong sagot sa kanya at kumuyom ang kanyang mga palad, ayaw na sana niyang gawin pa ito, lalo na kay Dominggo Bajamonti pero ito lang paraan para makawala siya.
Unti-unting pumihit ang kanyang katawan, at humarap siya rito na nanatiling nakakuyom ang kanyang mga palad at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Dominggo at kitang-kita niya ang kumikintab na putting-puti nitong mga ngipin.
Mukhang alam na ni Dominggo na nanalo ito kaya naman itinuro pa ng kanan na kamay nito ang upuan na kanina lamang ay kanyang inookupahan.
Ilang beses na nagbukas-sara ang kanyang mga palad, kasabay ng pagtiim ng kanyang mga labi at nang magtaas ng isang kilay nito sa kanya ay gusto na niyang umusok sa galit.
Para sa iyo ang gagawin mo Maximo, para sa iyo, ang bulong ng kanyang isipan at saka nag-relax ang kaninang nakakuyom niyang mga palad ngunit nanatili na tikom ang kanyang mga labi.
"Naalala ko ang tatay mo sa iyo," ang sabi nito sa kanya sa wikang tagalog na mabigat ang punto ng pagka-Italyano. At nang marinig niya ang sinabi nito ay galit na humakbang palapit si Maximo sa lamesa ng mayaman na Italyano at pabagsak niyang inilapat ang kanyang mga palad sa ibabaw ng makinis at makintab nitong kahoy na lamesa, inilapit niya ang kanyang mukha rito at halos di bumuka ang kanyang mga labi nang magsalita siya.
"Huwag mong isali ang tatay ko rito," ang mariin na sabi ni Maximo kay Dominggo na nagtaas lang ng kilay sa kanya at walang ganang kumumpas ang kamay nito.
"Bene, please, have a seat?" ang patanong na sabi nito sa kanya at saka lang niya inatras ang kanyang ulo at saka siya paatras na humakbang pabalik sa silyang kanina niyang inuupuan. Muling lumapat ang kanyang pwet at seryoso pa rin ang kanyang mukha na tiningnan si Dominggo.
"Bakit ko kailangan na bantayan ang virginity niya? Pakawala ba ang babaeng mapapangasawa mo?" ang sarkastikong tanong ni Kanawayon kay Dominggo para mainsulto niya ito ngunit mukhang makapal ang balat ng lalaking Italyano at natawa lang sa kanyang sinabi.
''Ha ha ha, I like that!" ang natatawang sabi nitoi sa kanya sabay turo ng hintuturo nito sa kanya at para buntot ng asong kumawag-kawag ito, "I like your sense of humor because it doesn't have any sense ha ha ha," ang sarkastikong sabi naman nito sa kanya. At siya naman ay nanatiling tikom ang mga labi.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...