Chapter 12

1.7K 89 10
                                    

"Miss Blaze thank you sa pag-i- style mo sa alaga ko, pwede bang ikaw na ang stylist niya?" ang tanong sa kanya ng manager ng teenager na artista nang matapos na ang segment ng show.

"Sure just call me if ever she needed my assistance in dressing herself on her events," ang sabi niya rito na may ngiti sa mga labi niya habang inaayos na niya ang kanyang mga pinahiram na accessories. Isinara niya ang maliit niyang pouch na lalagyan ng kanyang accessories at saka niya ipinasok iyun sa loob ng suitcase na kanina lamang ay may laman ngunit ng sandali na iyun ay tanging ang pouch na lang niya ang laman nito. pagkahila niya ng makapal na zipper ay napansin niyang nakatayo pa rin sa kanyang tabi ang manager ng batang artista.

"Uhm yes? Do you need anything?" ang tanong niya rito and she lifted her eyebrows on him. Humakbang ito palapit sa kanya para marinig niya ang mahinang salita nito.

"Uhm Miss Blaze, boyfriend mo ba yung kasama mo?" ang mahinang tanong nito sa kanya at kahit pa alam na niya kung sino ang tinutukoy nito ay sinundan pa rin niya ng tingin ang mga mata ng manager at napadpad iyun kay Maximo na tahimik na nakaupo sa mga sofa sa waiting area. Batid niya na alam ni Maximo na tinitingnan nila ito, kunwari lang na abala ito sa pagsi-cellphone pero batid niyang naka-alerto na ito.

Inalis niya ang tingin kay Maximo at kanyang hinarap ang manager na halatang tipo si Maximo.

"No, hindi ko siya boyfriend, bodyguard ko siya," ang sagot niya rito at nagliwanag ang mukha nito nang marinig ang kanyang sinabi na hindi niya boyfriend si Maximo.

"Talagah?'' ang nakangiti na tanong nito sa kanya na may pamimilog pa ng mga mata.

"Uh yeah, why?" ang patay malisya niyang tanong dito kahit pa alam na niya, at sa reaksyon pa lang ng mukha nito na mukhang tipo nito si Maximo.

"Ang pogi saka ang tangkad, baka gusto niyang mag-model o di kaya artista pwedeng-pwede, ako ang mag-handle sa kanya," ang nakangiting sagot nito sa kanya.

"Uh suplado yan, saka bodyguard ko siya," ang sagot niya rito at tumaas pa ang kanyang mga kilay.

"Pwede naman sideline," ang paglalambing pa sa kanya ng binabae na manager na may pagnguso pa ng mga labi nito na akala naman niya ay makukuha siya nito sa patwitams nito, siya lang ang gumagawa ng ganyan, ang sabi ng isipan ni Blaze.

"Bakit sa tingin mo ba ang pagbabantay sa buhay ko ay may may oras din lang?" ang mataray ngunit nakangiti niyang sagot dito at napahiya ang manager sa kanyang sarkastikong sagot.

"Uh h-hindi naman," ang nahiyang sagot nito sa kanya, "if ever lang naman na gustuhin niya," ang sabi nito sa kanya. At muli ay tila natauhan siya, baka sakali na kapag may nag-offer kay Maximo ng mas magandang oportunidad ay maisipan nitong hindi na magbantay sa kanya.

Pero hindi ba at sinabi nito sa kanya na may prinsipyo ito? Napabuntong-hininga siya, but still walang masama if she will try.

''You know that is a good idea, actually hindi ko naman kailangan ng bodyguard it was my fia- er, father's idea, come I'll introduce you to him," ang excited na sabi niya rito.

"Maximo?" ang malakas na pagtawag niya sa pangalan nito, "chap! chap!" ang pagmamadali niya pa rito. At bored ang mga mata nito na umangat ang mga mata mula sa pagkakatingin nito sa hawak nitong cellphone patungo sa kanya.

"Maxi, come here per favore," ang muling pagtawag niya rito na mas malambing ang kanyang boses at matamis pa ang kanyang ngiti.

Umirap ang mga mata ni Maximo sa kanya at itinulak nito ang sarili para makatayo mula sa inuupuan nitong sofa at sa malalaki nitong hakbang ay agad na nakalapit ito sa kanila at muli ay tumingala ang kanyang mukha para tingnan ito.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon