Chapter 9

1.9K 94 48
                                    

Pa-babe-babe pang nalalaman ang mga iyun? Huh, sorry na lang si boy at mukhang naunahan na siya ng mas makapal ang wallet, ang sabi ng isipan ni Maximo habang nililnis ang kusina. Wala man siyang masyadong gagawin sa ibaba dahil sa cup nooodles lang naman ang kinain niya ay naghanap pa rin siya ng pagkakaabalahan niya kahit ilang minuto lang. Gusto niya kasing bigyan ng privacy si Blaze lalo pa at panigurado niyang magsa-shower ito at magpapalit ng damit.

Kawawa naman ang lalaking iyun, ang sabi pa ng isipan ni Maximo, pero hindi na niya problema pa ang lovelife ng lalaking iyun at ni Blaze, ginagawa niya ang trabahong iyun ay para sa kanyang sarili, ang giit pa niya sa sarili.

Napatingala ang kanyang mukha ng bahagya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, at pinakiramdaman niya iyun at muling naging listo ang kanyang tenga. At nang marinig niya ang pagsara ng isa pang pinto ay napabuntong-hininga siya, mukhang tama nga siya ng nasa isip.

Dahil sa wala naman na siyang lilinisin sa kusina ay nagtungo na siya sa salas at doon ay tsinek siya ang mga bintana, huh, kahit naman iwan niyang bukas ang bintana ay hindi naman nito magagawang makadaan ito roon ng dahil sa grills. Ang pinto naman ang kanyang tiningnan, lahat ng lock ay nasa loob at puro simpleng lock lang naman ang mayron ang bahay nila na pwedeng buksan ng tao sa loob.

Sigurado siya na mag-attempt na tumakas ang babaeng iyun at baka kuntsabahin pa ang nobyo nito at kahit pa alam niyang mahahanap at mahahanap nila ang mga ito ay baka huli na ang lahat at baka ang pinababantayan sa kanyang pader ng puri ay mawasak na ng de-oras at ang hinahangad niyang kasunduan ay mawawala na lamang ng parang bula ng dahil sa kapabayaan niya.

Iisa lang ang nasa isip niyang gawin, isang buntong hininga na muli ang pinakwalan niya at humakbang na muna siya palapit sa armchair at doon ay pasalampak siyang naupo. Kanya munang pinag-isipan ang kanyang mga dapat na gawin sa mga susunod na araw, at simula bukas. Kailangan niyang makapag-file ng leave, yung pwedeng maibigay nito sa kanya ng mahaba-haba at ayaw niyang magkaroon ng conflict ang kanyang trabaho sa SWAT at sa pagiging security ni Blaze, mahal niya ang kanyang trabaho at ayaw niyang mawala ang pinagpaguran niyang propesyon ng dahil lang sa pagbabantay sa isang bratinela.

He has to make adjustments and arrangements kailangan na lang muna niyang masigurado na walang takbuhan at habulan na mangyayari sa kanila ni Blaze kapag nagtangka itong tumakas. Kapag pumasok na sa kokote nito na isa na siyang pledged bride ay makakakilos na siya ng maayos.

Dapat din na kausapin niya si Bajamonti tungkol sa tagal ng pagtatrabaho niya rito. Kailangan na may mapagkasunduan na muna sila ng haba ng pagbabantay niya, hindi pwedeng habambuhay siya na magiging security nito, matagal na ang tyatlong buwan para sa kanya, he didn’t want to jeopardise his job ng dahil lang sa trabaho niya kay Bajamonti.

Inunat niya ang isa niyang binti para madukot niya ang kanyang telepono na nasa kanang harapan na bulsa ng kanyang pantalon. Pagkakuha niya ng kanyang telepono ay itinukod niya ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang tuhod habang abala ang kanyang daliri sa screen ng kanyang telepono sa paghahanap niya ng pangalan na kailangn niyang matawagan para makausap na niya at iyun ang mahihingan niya ng napakalaking tulong. Mukhang magagamit na niya ang pabor na hihingin niya nang bumaliktad siya noon sa kidnap me ng mga magkakaibigan na mayayaman na walang magawa na pinaglaruan ang mga misis nito.

Hay naku, iba-iba talaga ang trip ng tao, ang naiiling na sabi niya sa sarili. Naalala din niya ang sundalong babae na nakaharap niya na tumulong sa grupo ng mga asawa nito. Kung tama ang kanyang narinig isa itong early retired na Scout Ranger, at hindi maiwasan ni Maximo ang ngumiti nang maalala niya kung gaano kagaling ang babaeng iyun.

Labis siyang humanga sa babaeng sundalo na iyun, nasaan na kaya iyun? Ang tanong ng isipan niya. Ganun ang mga tipo niya ng babae, yung walang arte, maabilidad, maganda at matalino at handang magsilbi sa bayan.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon