Chapter 20

1.7K 87 29
                                    


"Ha ha ha! Whoooo!" ang hiyaw ni Blaze habang hawak niya ang stemmed glass na naglalaman ng pink champagne na kanina pa niya iniinom, talaga namang labis ang tuwa na nadarama niya dahil sa naisahan niya si Maximo! Iba talaga ang talino niya! Ang papuri niya sa kanyang sarili ng sandali na iyun habang nakaupo sila sa sofa and she was having drinks with her friends.

Nang matanggap niya ang tawag ni Frances kanina habang nasa studio siya ay nag-isip siya agad ng plano kung paano siya makakalabas kahit pa sandali lang, alam niya na hindi na siya makakawala pa sa buhay niya kaya naman maghahanap na lamang siya ng paraan na ma-enjoy niya kanyang buhay, the way she used to enjoy and live her life. Alam niya na hindi siya papayagan ni Maximo na mag-clubbing lalo na kapag nakita nito ang damit na isusuot niya. At sinulyapan niya ang kanyang suot na deep blue ang kulay na may deep v na neckline na abot na hanggang sa kanyang midriff at hindi lang iyun, hanggang sa kalahati lamang ng kanyang mga hita ang haba nito o ikli nito kaya naman she's showing a lot of her milky white skin that she dusted with her bodygold spray kaya naman kumikintab ang katawan niya lalo na sa dim light na loob ng club.

At iyun na nga, pagkatanggap niya ng tawag ay nag-isip na siya ng paraan para makatakas habang plinaplano niya ang isusuot niyang damit, at naisip nga niya na magpanggap na masama ang kanyang pakiramdam. She know Maximo, napaka-gallant nito at iisipin nito ang kalagayan niya at mag-aalala ito sa kaniya. Ang hindi niya pagtakas kanina really paid off at nakuha niya ang tiwala ni maximo at sinamahan pa niya ng pang-award na acting at heto na siya sa club pagkatapos siyang sunduin ni Frances sa isang coffee shop.

"Saan ka ba naglalalagi Blaze bakit ngayon ka lang namin nahagilap, we saw Alfonso a couple of times here and he too doesn't have any idea kung saan ka, all we knew is that you were living in your papa's house again," ang sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

"Hindi na importante kung saan ako naglalalagi ang importante ay magkakasama tayo ngayon and we're going to make this night blaze with our charms!" ang sagot niya sa kaibigan.

"Darating ba ang boyfriend mo?" ang tanong ni Frances sa kanya. Mabagal niyang hinigop ang kanyang pink champagne at napagtanto niya na, hindi niya naisipan na tawagan man lamang si Alfonso hindi niya alam kung sa labis na pagmamadali o excitement o pwede rin na dahil sa gusto lamang niya na sila lang ng kanyang mga girlfriends ang magkakasama, lalo pa at alam niya na kailangan na rin naman niyang hiwalayan ang boyfriend sa mga susunod na araw kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon at interest na magpaliwanag sa kanyang nobyo.

"Hmmm, I really wanted to be just us girls, ang hirap ng may mga matang nakabantay sa iyo," ang sagot niya at sa sandali na iyun hindi niya alam kung sino ba ang pinatutungkulan niya kung ang kanyang boyfriend na si Alfonso o ang kanyang bodyguard na si Maximo na malamang sa malamang ay nag-aalburuto na sa kanya sa mga sandali na iyun para hanapin siya.

Mamaya na niya haharapin ang galit ni Maximo for now, she' going to enjoy the night with her friends sa paraan na gusto niya at sa paraan na nakasanayan na niya, hindi pwedeng ipagkait sa kanya ang mga ganitong bagay ng dahil lang sa ikakasal siya, dapat nga ay mas biibigyan pa siya ng laya ng mga ito dahil sa malapit na mabago ang buhay niya, ang giit ni Blaze sa kanyang sarili.

Nagtagal pa ang oras at naparami na ang mga inumin na inorder nila at naghalo-halo na rin ang mga inumin, hindi na lamang champagne ang iniinom nila at nahaluan na rin ng tequila, beer at vodka at nakaramdam na ng pagiging tipsy si Blaze, pero masyado pang bata ang gabi para umuwi, at alam niya na hindi enjoy ang pag-uwi niya sa bahay at kung kanino na bahay ay di pa niya alam.

"Hey Blaze, are you okey? Namumula ka na?" ang alalang tanong sa kanya ng isa pa niyang kaibigan. She took her shot of tequila and she bit the lemon wedge. She shook her head and expelled a breath bago niya nginitian ng malapad ang kanyang kaibigan.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon