Sandaling naupo si Blaze sa gilid ng kama, tiningnan niya ang maliit na kama. Maliit? Pero para sa kanya ay napakalawak niyun dahil wala si Maximo sa loob ng silid. Tila ba sa sandali na iyun ay nakabibingi sa kanya ang katahimikan. Tila ba naliligaw siya ng silid hindi dahil sa hindi niya iyun silid, kundi dahil sa wala si Maximo sa silid.
Napabuntong-hininga siya, mukhang kailangan niyang makapaligo na muli, baka sakalaing makatulog siya agad kapag muling naginhawaan ang kanyang katawan, ang sabi niya sa sarili pero alam niya na hindi iyun katotohanan. Alam niya na kahit anong paligo ang kanyang gawin ay hindi kaya nitong hugasan ang pangungulila at pag-aasam na kanyang nararamdaman.
Itinulak niya ang sarili patayo mula sa kanyang pagkakaupo at muli niyang kinuha ang towel na kanyang isinampay para gamitin niyang muli. Saka siya lumabas ng kanyang silid para magtungo sa katabing bathroom and toilet. Mabilis niyang nilinis ang kanyang sarili at napangiti pa siya nang mahawakan niya ang toiletries na binili sa kanya ni Maximo sa bayan nang umalis ito kanina. Hindi iyun katulad ng toiletries niya dahil sa hindi naman talaga iyun mabibibili sa isla, pero nang amuyin niya ang mga shampoo at bodywash na binili nito sa kanya ay napuno ang loob ng banyo ng mabangong amoy.
Mukhang inamoy pa muna ni Maximo ang shampoo at bodwash bago nito binili, ang nakangiting sabi niya sa kanyang sarili at dahil sa binili iyun at pinili ni Maximo para sa kanya ay mas lalo pa niya iyung nagustuhan. Iyun na ang lagi niyang gagamitin simula sa araw na iyun and she'll ditch her expensive and imported brand para sa brand na pinili ni Maximo para sa kanya. Pati ang toothbrush na kanyang ginamit ay nagdulot sa kanya ng ngiti dahil sa talagang nag-abala si Maximo para bilhan siya ng mga bagay na iyun.
Sayang lang at hindi sila magkakatuluyan, siya ay nakatakda ng ikasal at si Maximo naman ay nakapangako sa trabaho nito at kailanman ay di siya magugustuhan, ang malungkot na sabi niya sa kanyang sarili habang pinipiga niya ang kanyang buhok nang matapos na siyang maligo.
Pero siya? Mahala niya si Maximo hindi ba? At kapag mahala mo ang isang tao ay ibibigay mo rito ang isang bagay na pinahahalagahan mo, ang tanong niya sa sarili.
Hindi niya kayang ibigay kay signor Dominggo ang pinakamahalagang bagay na kanyang pinakaiingatan at alam niya na tanging kay Maximo lang niya maisusuko ang kanyang puso kasama ng kanyang sarili.
Dahan-dahan siyang lumabas ng banyo at marahan ang ginawa niyang hakbang sa kahoy na sahig na kahit nakatikayad na siyang naglalakad, ay lumilikga pa rin ang mga kahoy na til ba nagkikiskisan ang tunog nito. Kaya naman sa bawat hakbang ay napapakagat-labi siya, hindi dahil sa ayaw niyang magising si Maximo kundi sa ayaw niyang magising ang mga magulang nito. Sandali siyang huminto sa harapan ng pinto ng kanyang silid at sandali na tinanong niya ang kanyang sarili.
Seryoso na ba talaga Blaze? Wala ng atrasan kapag pumasok na siya sa loob ng silid ni Maximo. Pero paano kung itaboy niya nito? tanggihan? Anong gagawin niya? Ang muling tanong pa niya sa sarili.
Oo tama lang ang kanyang gagawin, kung hindi niya pa ito gagawin sa gabing iyun baka mawalan na siya ng panahon, hindi baling hindi siya mahalin ni Maximo, ang importante ay minahal niya ito at naging parte si Maximo ng kanyang buhay at iyun ang pinaka-espesyal na ala-ala ng kanyang isipan.
Ipinagpatuloy niya ang mahina niyang paghakbang hanggang sa kaharap na niya ang nakapinid na pinto ng silid ni Maximo. Tiningnan niya ang ibaba ng pinto at nakita niyang wala nang liwanag mula sa loob at isang mahinang hininga ang kanyang ibinuga para lumakas ang kanyang loob, saka niya iniangat ang kanyang kanan na kamao at marahan niyang kinatok ang pinto.
Naghintay pa siya ng ilang segundo at nang wala pa ring nagbubukas ng pinto ay muli niyang kinatok ang pinto at pagkaatras ng kanyang kamay ay biglang bumukas ang pinto ng silid at bumati sa kanya ang gwapong mukha ni Maximo na tiningnan ang basa niyang buhok at bumaba na sa kanyang katawan ang mga mata nito at agad na nag-alab ang kanyang balat sa mga mainit na tingin na ibinigay sa kanya ni Maximo.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...