Napaatras ang kanyang ulo at nabura ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakakunot ang kanyang noo at ganun din ang kanyang kilay habang nakatingin siya sa nanay ni Maximo.
Anak ni signor Bajamonti si Maximo? Pero paano?
"Anak siya ni signor Bajamonti?" ang gulat niyang tanong sa nanay ni Maximo na mukhang nagulat din sa kanyang naging reaksyon at napapikit sandali ang mga mata nito.
"Sorry, akala ko sinabi na ni Maximo sa iyo ang katotohanan tungkol sa deal nila ni Dominggo at sa kadahilanan nito, pero sa reaksyon mo mukhang wala ka nga na alam at sinira ko ang sandali na iyun, pasensiya ka na," ang alala na sabi nito sa kanya. Umiling ang kanyang ulo dahil sa tingin niya ay walang dapat na ipaghingi ng paumanhin ang nanay ni Maximo.
"You don't have to apologize," ang sagot niya at napalunok siya bago siya muling nagsalita.
"Anak? A-ampon si Maximo?" ang gulat na tanong niya sa nanay ni Maximo na mabagal na umiling ang ulo nito. At isang matipid na ngiti ang isinagot nito sa kanya bago ito nagsalita.
"Hindi siya ampon Blaze, anak ko si Maximo kay Dominggo," ang malumanay na sagot nito sa kanya. Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa labis na pagtataka.
"I don't understand pero si Maximo at si tatay ay magkamukhang-magkamukha," ang giit niya sa nanay ni Maximo na naging matamis ang ngiti sa mga labi nito nang dahil sa kanyang sinabi. Tumangu-tango ang ulo nito at saka tumikom ang mga labi nito na tila ba inihahanda nito ang sarili sa mahabang paglalahad.
"Hindi ko rin alam kung masasabi kong biro ng tadhana iyun o regalo sa amin ni Alessandro ang pagiging magkamukha nilang dalawa, pero hindi naman dapat din namin iyun na ipagtaka dahil sina Dominggo at Alessandro ay magkapatid sa ama, isa ring Bajamonti si Alessandro, anak sila ng ama nila ni Dominggo sa isang pangkaraniwan na babae na hindi kasapi ng mga angkan ng Branco di Lupi." Ang pagbubunyag ng nanay ni Maximo sa kanya. At alam ni Blaze na hindi pa kumpleto ang mga iniahad nito at kahalintulad ng sa libro ay nasa Prologue pa lamang ito ng kwento.
Hindi siya nagsalita, nanatili siyang tahimik at taimtim na nakinig at ayaw niyang sirain ang momentum ng nanay ni Maximo, sa paglalahad nito ng katotohanan o sa pagbubukas nito ng libro ng buhay nila nina Maximo sa kanya.
"Ako si Josepia Colombo," ang pagpapakilala nito sa kanya at agad niyang nakilala ang apelyido na nabanggit nito.
"Francesco Colombo," ang sambit niya at tumangu-tango ang ulo ng nanay ni Maximo na si Pia o Josepia.
"Isa rin akong Branco di Lupi, ipinagkasundo o pledged bride ako noon kay Dominggo, na bata pa lamang ay pinamunuan na ang grupo dahil sa maagang namatay ang papa nito," ang panimula na paglalahad ng nanay ni Maximo. At sa sandali na iyun ay unti-unti nang binubuklat nito ang bawat pahina ng nakatagong kwento ng buhay ng mga ito.
"Hindi perpekto ang mga miyembro ng group, may mga madilim na bahagi ang grupo para ito ay magtagal at kahit ang mga lider ay nakakagawa rin ng pagkakamali at isa lang doon ay ang magkaroon ng relasyon sa labas ng kasal. Iyun ang isa sa mga disadvanrages? Ng arranged marriage, hindi naman nila kasi mahal ang isa't isa sa simula pa lamang, ang pagpapakasal nila ay para mas maging puro ang dugo at mas tumatag ang grupo, pinapayagan ang pagpapakasal na galing sa labas ng grupo pero dapat ay isang taong may mataas na pedigree o may titulo ang pangalan ang papayagan na makasapi sa grupo."
"Tulad ng sinabi ko kanina na ang mga miyembro ng grupo ay nagkakaroon ng affairs sa labas ng kasal ng mga ito at si Alessandro ang isa sa mga naging bunga ng affair na iyun. Nang malaman ni Dominggo na mayroon siyang kapatid sa labas ay pinahanap niya ito, ay nang matagpuan niya si Alessandro ay hindi ginawa ni Dominggo ang ginawa ng ibang member ng Branco di Lupi sa mga anak sa labas o kapatid sa labas ng mga ito na bibigyan ng pera na patatahimikin, kinupkop ni Dominggo si Alessandro at sinanay niya ito na maging isang guard ng Branco at ginawa ito ni Dominggo na head ng kanyang security." Ang pagpapatuloy na paglalahad ng nanay ni Maximo at napansin niya na lumiwanag na ang mukha ni nanay Pia nang maipasok na sa litrato ang pangalan ni tatay Alessandro.
![](https://img.wattpad.com/cover/237295800-288-k839638.jpg)
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...