Mabilis ngunit maingat ang mga hakbang at kilos ni Maximo papasok sa villa, baka kasi may mga kasamahan pa ito sa loob at ayaw niyang magkaroon ng palitan ng putok na magbibigay ng senyales na naroon siya sa loob ng villa. Pero mukhang dalawa lamang ang kasama ni Divino, pero hindi siya dapat magpakampante, kung ginawa si Divino na lider ng security team ni signor Vincenzo ibig sabihin ay hindi rin basta-basta si Divino na kalaban.
May naririnig siya na boses mula sa likuran na bahagi ng vilaa at sinundan niya iyun hanggang sa maabot niya ang hardin at doon ay naabutan niya si signor Dominggo ang kanyang papa na nakaharap sa kanya at ang lalaking nakatalikod sa kanya at nakaharap sa kanyang papa na may nakatutok na baril sa ulo ng kanyang papa. At sa kanyang nakita ay hindi iyun si Divino kundi..
"Hindi ako natatakot sa iyo," ang mariing sagot ng kanyang papa.
"Matakot ka dahil hindi ako nagdadalawang-isip na pumatay ng tao," ang malademonyong sagot ni Alfonso na kanyang narinig at dahan-dahan na siyang humakbang palapit rito.
"Any last words?" ang nakangising tanong nito sa kanyang papa.
"You're fucked up," ang nakangiting sagot ng kanyang papa dahil sa nakita na siya nito at nakataas din ang kanyang braso at nakatutok sa ulo ni Alfonso. Pero hindi siya mamamatay tao, isa siyang pulis at hahayaan niyang mabuhay si Alfonso para bigyan ito ng patas na paglilitis na naayon sa nagawa nitong pagkakasala.
"Huh," ang sambit ni Alfonso at mabilis na kumilos si Maximo, pinalo niya ng kanyang baril ang balikat ni Alfonso na naging dahilan para bumagsak ang braso nito kasabay ng hiyaw na lumabas sa labi nito nang dahil sa sakit.
Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Alfonso at kanyang iniikot iyun sa likuran nito at pinilipit at humiyaw pang lalo sa sakit si Alfonso.
"Hindi ka lang pala rapist, killer ka rin pala?" ang gigil na sabi ni Maximo habang nasa likuran siya ni Alfonso.
"Huh, killer pa lang pero rape? Hindi mangyayari iyun dahil kapag nakuha ko si Blaze? She'll definitely beg for me to fuck her," ang sagot ni Alfonso.
Umangil si Maximo dahil sa kanyang narinig at pinilipit pa niyang muli ang braso ni Alfonso.
"Aghh!" ang hiyaw ni Alfonso, ngunit mukhang nakahanda si Alfonso sa laban. Mabilis na umatras ang ulo nito at ang likod ng ulo nito ay tumama sa kanyang ilong, kaya naman nabitawan niya si Alfonso at sa kabila ng pagkakapilipit niya ng braso nito ay mabilis itong nakakilos patungo sa kanyang likuran at iniikot nito ang bisig sa kanyang leeg. Naramdaman niya ang paninikip ng kanyang leeg at paghirap ng kanyang hininga ganun na rin ang tumutulong dugo mula sa kanyang ilong.
"Triggered ka ba huh? Nagkagusto ka na ba sa ex ko? O baka bantay-salakay ka rin katulad ng tatay-tatayan mo?" ang mapanginsultong sabi sa kanya ni Alfonso at mas idiniin pa nito ang mga daliri sa kanyang leeg.
"Mas mapapadali ang pag-angkin ko sa Branco, nandito na kayong dalawa, kumpleto ang pamilya, two birds with one stone at mamamatay na ang lider na aking papa, at ikaw na aking kapatid, hindi na kita pahihirapan pa, kuya," ang bulong ni Alfonso sa kanyang tenga na kanyang ikinagulat.
Papa? Kapatid? Kuya? Tama ba ang mga narinig niya o naghahalucinate na siya dahil sa kakulangan ng kanyang hininga. Sa pampapabuno nila ay hindi nakialam ang kanyang papa sa kanilang dalawa.
"Pero hindi katulad ng sa tatay tatayan mo, hindi mo makukuha ang babae, hindi mapapasaiyo si Blaze at muli siyang babagsak sa mga kamay ko," ang bulong nito sa kanyang tenga.
Wala siyang pakialam sa kanyang buhay, kahit pa sa buhay ng kanyang papa. Sa sandali na iyon ang buhay ni Blaze ang mas mahalaga at dahil doon, ay pilit ni Maximo na makakalap ng lakas at ibinaliko niya ang kanyang katawan paharap para pasanin si Alfonso na di rin biro ang bigat at laki ng katawan nito. Pagkapasan niya ay inikot niya silang dalawa at saka siya kumuha ng pwersa at ibinagsak niya ang kanilang katawan sa sahig at nadaganan niya si Alfonso.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...