Malakas ang tunog ng mga sirena, mula sa mga sasakyan ng ambulansiya at kapulisan. Ilang sandali pa ay nakapalibot na ang mga iyun sa harapan ng isang bahay.
Mabilis na nilagyan ng kurdon ang perimeter ng kabuuan ng bahay, para mabigyan ng espasyo ang mga police sa mga ususerong tao na nagsimula nang maipon sa harapan ng isang bungalow na bahay sa isang noo’y tahimik sa baranggay, na nabulabog lamang ng may naganap na hostage taking sa isang bungalow house.
Isang tawag mula sa isang concern citizen ang natanggap ng baranggay officials nang makita nang marinig ng kapitbahay ang komosyon sa loob ng bungalow na bahay. At sa pagkakalam ng mga taga-roon dahil sa magkakakilala na ang mga nakatira, ay tanging isang teenager na babae lang ang nasa loob ng bahay na iyun, na kagagaling lamang ng eskwelahan at ang ina ng bata ay pumapasok sa trabaho.
Maigi na lamang at nakabukas pa ang mga bintana ng sandali na iyun kaya nakita pa ng kapitbahay na may lalaki na pumasok sa loob at ang malakas na siagw ng teenager na babae, na humihingi ng tulong.
Agad na nakahingi ng tulong ang mga kapitbahay sa baranggay at ang baranggay na ang tumawag ng pulis para rumesponde sa nagaganap na tila hostage taking.
Naririnig nila ang nakaka-awang pagpalahaw ng takut na takot na kinse anyos na batang babae, at isang pulis ang naglakas loob na kumatok sa pinto para kausapin ang lalaking, pumasok sa loob ng bahay, na ng mga sandali na iyun ay nagawa ng isara ang lahat ng bintana ng lalaking nanloob.
Maya-maya ay bumukas ang harapan na bintana ng bahay at sumilip ang lalaki na hawak sa buhok sa batang babae. Ang lalaki ay may hawak na kutsilyo habang nakatayo ito sa likuran ng batang babae na walang tigil sa pag-iyak at halatang – halata ang labis na takot sa mukha nito.
“Wag mong saktan ang bata, ano ang kailangan mo at baka naman pwede nating pag-usapan” ang malumanay na pakiusap ng isang uniformed police.
“Papatayin ko ito! Papatayin ko ang batang ito! Dahil manloloko ang nanay nito!” ang pasigaw at galit na sagot ng lalaki.
“Wag kayong papasok dahil kapag nagkamali kayo, gigilitan ko ito ng leeg” ang pagbabanta nito.
“Ano ang gusto mo, ibibigay namin, wag mo lang saktan ang bata” ang muling pakiusap ng pulis, pero hindi na sumagot ang lalaki at muling isinara ang bintana.
Muling kinatok ng pulis ang pinto pero isang bagay ang lumagabog mula sa likuran niyun, na tila gustong sabihin na umalis ang pulis na nasa labas niyun.
Naglakad pabalik ang pulis sa mobile na naghihintay at kinausap nito ang ilan sa mga nakausyoso na mga tao.
“Kilala ninyo yung nanay na tinutukoy ng lalaking iyun?” ang tanong nito sa mga taong nakamasid.
“Opo sir, tinawagan na po namin paparating na po rito, kilala po namin yung lalaki sir, dating kinakasa ma ng nanay ni Janice yung lalaking nang hostage, kilalang adik yan sir” ang sagot ng isang babaeng kapitbahay.
Napakamot sa batok ang uniformed police at tumangu-tango ito, saka ito lumapit sa isang kasamahan.
“Cruz, tumawag ka ng back-up, tumawag ka ng SWAT” ang utos nito sa kasama.
“Copy sir!” ang malakas na sagot ng isa sa mga rumesponde na pulis. Tiningnan nito ang bahay, at dinig na dinig ang nakakakilabot na iyak ng batang babae sa loob. Ang lahat ng nasa labas ay dama ang tensyon at kaba ng mga nangyayari sa loob na hindi nila nakikita.
Ilang minuto pa ang nagdaan at ang sirena ng sasakyan ng SWAT ay dumating na. Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at mabilis na naglabasan ang mga operatiba. Ang isa sa mga ito ay lumapit sa pulis officer na rumesponde sa hostage taking.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...