Chapter 19

1.6K 88 21
                                    


Mabibilis ang mga hakbang ng mga pang nakasuot ng makakapal na Italian boots habang binabagtas nito ang isang maliit na pasilyo ng isang lumang building ng mga paupahan na bahay. Huminto ito sa harapan ng isang nakapinid na pinto. Patse-patse na ang pinturang nagtatalo na ang kulay ng berde at abo dahil sa kalumaan o ng dahil sa dumi. Tatlong beses na kumatok sa pinto ang kamao nito.

"Aprire," ang sabi nito mula sa labas ng pintuan kasabay ng pagkatok nito na mariin.

"Chi e?" ang tanong ng boses mula sa loob.

"Grigio," ang sagot nito at mabilis na narinig ang tunog ng lock na binuksan mula sa loob at ilang Segundo pa ay bumukas ang pinto at mabilis na pumasok sa loo bang lalaking may pangalan na Grigio.

"Il signor Bajamonti e gia partito per Italia, just this morning," ang pagbabalita nito. Tumangu-tango ang lalaki at tumayo ito mula sa lumang armchair.

"Stasera, agiremo stasera, everything we planned will start tonight and we will start with the Lone Wolf," ang sagot pa nito na may matinding malisya.

***

The day went very stiff for both of them. Nanatili at namayani ang matinding katahimikan sa pagitan nila Blaze at Maximo. Kung hindi niya mabasa ang mukha nito noon mas lalo na sa sandaling iyun. Pero hindi na iyun importante pa para kay Blaze, wala na siyang pakialam kung mababasa pa niya o hindi kung anong iniisip ni Mr. Simang, alam naman niya na malaki ang sama ng loob nito sa kanya dahil sa mga sinabi niya rito kanina.

Nasaktan man niya ang ego nito ay walang balak si Blaze na humingi ng apology, first he too did insult her, dahil sa pangingialam nito sa kanyang pananamit at fashion sense na kanyang career sa buhay, next hindi siya mag-apologise dahil sa..hindi niya alam kung paano. She grew up in a world kung saan siya ang center of attraction, she grew up learning how to manipulate and getting anything and everything she wanted, hindi niya kailanman inisip ang sasabihin, iniisip, o mas lalo na ang nararamdaman ng iba. Pero kanina? Nang sabihan siya ni Maximo na bumili siya ng magandang ugali? Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib, tumimo ang sinabi nito sa kanya at parang kutsilyo na tumarak sa kanyang puso.

Bur still, she blinked back the tears na nag-umpisa na pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi niya ipapakita kailanman na mahina siya, na nasaktan siya ni Maximo. Oo at nabuhay siya na sanay na nakukuha ang kanyang gusto, nabuhay sa karangyaan sa buhay, pero katulad ng mga lobo, kailangan din niya na maging matatag she was molded to be that way.

Katatapos lang ng kanyang meeting sa isang client sa kanyang opisna na umabot din ng ilang oras dahil sa kinailangan na niyang hanapan ito ng isusuot na damit, at dahil sa out of town ang event at hindi siya makakasama ay naghanap na sila agad ng isusuot nito sa kanyang studio at gumawa din siya ng orders sa araw na iyun, kaya naman halos buong araw ay nasa studio sila making calls, planning and styling her artsist client na napansin niya na panay ang sulyap kay Maximo na tahimik na nakaupo sa maliit na silya sa sulok ng kanyang opisina.

"Hindi ka pa nagla-lunch," ang biglang sabi ni Maximo na pumutol sa kanyang isipin. Napasulyap siya sa may pintuan ng kanyang walk-in closet kung saan nakatayo sa labas niyun si Maximo.

"Hindi ako gutom," ang walang gana niyang sagot kay Maximo at muli niyang inatupag ang pagbabalik niya ng mga damit na nakakalat sa malaking lamesa niya kung saan inilagay niya ang mga pinagpilian na damit.

"Kailangan mo na kumain," ang mariin na sabi nito sa kanya at napairap na naman ang kanyang mga mata at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

She was tired, hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagod ng sandaling matapos na ang pakikipag-usap niya sa kanyang kliyente. May nangayaring bago at kakaiba sa kanya ng sandali na iyun, habang namimili sila ng mga damit ng kanyang artista na kliyente. Kanina, nakaramdam siya ng uncertainty sa kanyang sarili.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon