Chapter 16

1.7K 93 19
                                    

Napansin ni Maximo ang pagiging tahimik ni Blaze nang pagkatapos ng pag-uusap nila ng papa nito at siya naman ni Signore Dominggo sa harapan ng kanyang bahay ay naging kakaiba na ang pagiging tahimik ni Blaze ng sandali na iyun. Mabilis siyang kumuha ng kanyang gamit na inilagay niya sa kanyang duffel bag. Hinayaan naman niyang iwan na ni Blaze ang gamit nito sa kanyang silid, iyun na kasi ang napagdesisyunan ni Maximo na alternate ang gagawin nilang pagtulog sa kani-kanilang mga bahay.

At sa unang pagkakataon ay nawala ang pagiging bubbly ni Blaze. Hindi niya alam kung ano ang naging usapan ng ,ag-ama sa loob ng sasakyan pero siya? Mas nadagdagan lang ang mga gumugulo sa kanyang isipan na kung tutuusin naman ay hindi na dapat pa niya pinoproblema.

"Paalis na si Signore Dominggo patungong Italy, mukhang isang traditional Italian royalty wedding ang magaganap sa inyong dalawa," ang panimula niya para mabasag lang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kahit pa gusto niya na manatili na tahimik ang paligid ay minabuti ni Maximo na siya na ang unang bumasag ng katahimikan. May mga gusto kasi siyang malaman patungkol sa ama ni Blaze at hindi niya iyun malalaman kung hindi siya gagawa ng paraan.

"Huh as if I'm sooo excited," ang nakangusong sagot ni Blaze sa kanya at nakita niya ang repleksiyon nito sa bintana ng passenger door.

"Bakit ayaw mo ng engrandeng kasal?" ang tanong niya kay Blaze at muli siyang sumulyap dito at mas lalong humaba ang nguso nito na sa tingin ni Maximo ay didikit na sa salamin ng bintana.

'Hindi ba iyun ang gusto ng lahat ng babae?' ang tanong ni Maximo at iniliko na niya ang kanyang sasakyan papasok sa loob ng parking ng condominium building. Hindi pa rin siya nakatanggap ng sagot kay Blaze. Hinanap niya ang slot na para kay Blaze at inihinto niya ang kanyang sasakyan at si Blaze ay dali-dali na lumabas ng kanyang sasakyan at ni hindi siya hinintay nito na makababa siya ng kanyang sasakyan. Napasipol siya ng mahina at lumabas siya driver side. At sinundan niya ng tingin si Blaze habang naglalakad ito palapit sa mga elevator at habang binubuksan niya ang backseat ay nakatingin pa rin ang kanyang mga mata kay Blaze na hindi na gumawa ng ano pa man na aksyon. Nanatili na lang ito na nakatayo sa harapan ng mga elevator at mukhang hinihintay siya nito.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang duffel bag at ini-lock niya ang kanyang sasakyan saka siya dali-dali na sumunod kay Blaze. Bahagzang lumingon ang ulo nito sa kanya nang makita siya nitong tumayo sa tabi nito. pinindot nito ang button at maya-maya pa ay bumukas na ang gates ng elevator na magdadala sa kanila sa itaas na floor ng kung saan ito tumutuloy.

Hinayaan niya muna na manatili ang katahimikan sa kanilang dalawa, habang nag-iisip siya ng paraan na mapagkwento si Blaze. Alam niya na labas na ang kanyang gagawin sa pagbabantay niya sa puri nito, pero bilang isang pulis ay may nagumangatngat sa kanyang isipan na kailangan niyang malaman ang dahilan, isang kati na hindi niya matiis na hindi kamutin lalo pa at iba-iba ang mga statements na kanyang natatanggap. Kung wala lang naman kasi? Bakit kailangan na magpa-iba-iba ng mga kwento? Huh, wala naman siyang pakialam sa kwento ng mga ito sa grupo ang sa kanya lang ay alam niya kung delikado ba ang kanyang buhay.

Paglabas nila ng elevator ay sumunod siya sa paglalakad sa patungo sa unit nito, at nanantiling nakasunod siya hanggang sa makapasok na sila sa loob ng apartment nito.

 "You can sleep on the couch if you want to or on the floor I don't care and it doesn't matter to me, as along as you don’t sleep with me," ang mariin na sabi nito sa kanya.

"Take off your shoes please you can walk around barefoot or covered with socks again I don’t care as long as you take away your shoes," ang saad pa nito sa kanya habang hinuhubad nito ang sariling sapatos at naglakad ito ng nakapaa sa loob patungo sa gitna ng maliit nitong salas. Inilapag naman niya ang dala niyang bag sa tabi ng nakapinid na pinto at siya naman ang nag-alis ng suot niyang boots.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon