Agad niyang kinabig ni Maximo ang balikat ni Blaze at idinikit niya ang ulo nito sa kanyang dibdib at mahigpit na bumalot dito ang isa niyang bisig. At naramdaman niyang yumugyog ang balikat nito habang nakadikit ang mukha nito sa kanyang dibdib.
"Oh God." Ang sambit ni Blaze habang lumuluha.
"I should have listen to him, pero hindi siya ang binabantayan ko kundi ikaw Blaze, I'm sorry this happened to your papa," ang mahina at sinsero na sabi niya rito at tanging pagtangis lang ang narinig niyang sagot nito sa kanya.
Pero hindi pa sila ligtas, hindi pa nila alam kung kasama pa nila sa bahay ang may gawa ng massacre sa mansion. At mayron pa siyang napansin.
"Blaze? Blaze," ang pagtawag niya sa pangalan nito at marahan niya itong itinulak palayo sa mula sa kanyang dibdib.
"Blaze," ang sambit niyang muli sa pangalan nito at tiningnan niya sa mga mata si Blaze at nangingintab iyun sa luha.
"Y-yes?" ang patanong na sagot nito sa kanya.
"Si Divino? Wala si Divino, may pagkakataon ba na humihiwalay siya sa papa mo?" ang tanong ni Maximo at tumango ang ulo ni Blaze.
"Yes there-there were few instances na hindi kasama ni papa si Divino pero kapag kailangan lang ni papa na makipagmeet kay Signore Dominggo sa secret hidden place ng dalawa, kahit ako hindi ko alam ang lugar na iyun," ang sagot nito sa kanya.
"Pero dito sa mansion?" ang tanong ni Maximo kay Blaze.
Umiling ang ulo ni Blaze, "laging nandito si Divino siya ang head ng security ni papa," ang sagot ni Blaze.
He could be anywhere in this big house, ang sabi ng isipan ni Maximo, sa dami ng patay sa loob kabilang ang papa ni Blaze ay mukhang kakilala ng mga ito ang pumasok sa loob lalo pa at walang force entry na nangyari at nakalock pa ang gates.
"Blaze kailangan kong tingnan ang lahat ng silid dito sa mansion para makita kung may naiwan na buhay tatawag na rin ako sa pulis, i want you to stay here sa second floor maybe in your room? Please mag-stay ka muna roon mabilis lang ang gagawin ko," ang sabi niya kay Blaze na mukhang natakot sa kanyang sinabi.
Sumulyap si Blaze sa ama nitong nakaupo na walang buhay, at muling natuon ang mga basang mata nito sa kanya.
"M-Maximo I-I'm scared," ang pag-amin nito sa kanya at nanginginig ang mga labi nitong kanina lamang ay kulay pink ngunit sa sandali na iyun ay wala na iyung kulay.
"I have to do this Blaze, baka may buhay pa na naiwan sa mansion na kailangan ng ating tulong kaya naman kailangan ko na tingnan ang bawat silid ng bahay, pangako bibilisan ko ang gagawin ko at babalikan kita, doon ka sa silid mo halika," ang pangako niya kay Blaze at nakaakbay siyang iginiya ito palabas ng silid ng papa nito at nagtungo sila sa silid ni Blaze kung saan una niya itong nakita.
"Blaze wait baby," ang sambit niya at hindi niya napansin ang salitang nasambit niya kay Blaze. Inalis niya ang kanyang braso mula sa balikat nito para iangat ang baril na hawak ng kanan niyang kamay.
"Diyan ka lang sa likod ko, stay close ok?" ang sambit ni Maximo kay Blaze na mabilis na tumngu-tango sa kanya bilang sagot.
Pinihit niya ang doorknob at malakas niyang binuksan ang pinto at itinapat niya ang kanyang baril para sa kung sinuman ang nasa loob ng silid. Itinapat niya sa kaliwa at kanan ang kanyang hawak na baril at mabilis na pinasadahan niya ng kanyang mga mata ang loob ng silid at humakbang siya papasok sa loob habang malapit na nakasunod sa kanya si Blaze na hawak pa rin ang baril na ibinigay niya.
Humakbang siya palapit sa mga matataas nitong closet at isa-isa niyang binuksan ang mga iyun para i-tsek ang loob at lumuwag kahit papaano ang kanyang loob ng walang tao sa loob nito na nagtatago.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
DragosteStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...