Chapter 27

1.7K 89 28
                                    

Hindi na maimulat ni Blaze ang kanyang mga mata sa sobrang pagod. Ilang oras na silang naglalakbay, una sa kotse ni Maximo na kanilang iniwan sa harapan ng convenient store sa lugar na hindi na niya maalala ang pangalan, saka naman sila sumakay ng jeep at nakatulog na siya roon. Nagising na lamang siya nang gisingin siya ni Maximo at nagising nga siya sa mga bisig nito. At pagkababa nila ay muli na naman silang sumakay ng motorsiklo na may sidecar para ihatid sila sa isang port kung saan nakahilera ang mga nakahanda at papaalis nang mga lantsa patungo sa isang isla. At doon na siya nakaramdam ng labis na pagkahilo dahil na rin sa hindi patag ang karagatan at sinalubong sila ng malalaking alon at sa bawat pag-angat ng lantsa ay parang inaangat din ang kanyang sikmura at doon na siya sinamaan ng tiyan at hindi na nga niya napigilan ang mahilo at ang masuka lalo pa at hindi siya sanay sa ganun na biyahe.

At sa sama ng kanyang pakiramdam ay inasikaso siya ni Maximo walang sandali na hindi ito nagpakita ng concern sa kanya lagi itong nasa kanyang tabi at sa tuwing siya ay pipikit ang mga mata ay ang mga braso at dibdib nito ay nakahanda para siya ay balutin sa mga bisig nito at gawing sandalan ang dibdib nito. at doon, sa sandali na iyun ay nakaramdam ng gaan ng loob si Blaze, sa mga yakap ni Maximo ay naramdaman niya ang kapanatagan at kapayapaan ng kanyang kalooban sa yakap at sa dibdib ni Maximo na kanyang naging sandigan.

At habang siya ay hapo at nakapikit ay isang ngiti ang gumuhit sa labi niya at mas ikiniskis pa niya ang kanyang mga pisngi at ilong sa dibdib ni Maximo at kanyang nilanghap ang amoy ng sabon nito at pabango.

"You feeling okey?" ang tanong ni Maximo sa kanya at naramdaman niya ang bibig nito sa ibabaw ng kanyang ulo.

 "Uh-hmm," ang nakangiti niyang sambit habang nanatili na nakapikit ang kanyang mga mata at inilapat niya ang kanyang palad sa gitna ng dibdib nito at ramdam ng kanyang kaliwang palad ang bilis ng tibok ng puso ni Maximo.

Bakit magkapareho sila ng pintig ng puso? ang tanong ng kanyang isipan at binilang niya ang bawat tibok ng kanilang puso na sabay ang bawat pag-pintig nito.

Bakit niya ito nararamdaman? Ang taka na tanong ni Blaze sa kanyang sarili, ni hindi niya naramdaman ang ganun kabilis na tibok ng puso kaninuman kahit pa kay Alfonso na kanyang nobyo.

Hinayaan niyang sakupin siya ng presensiya ni Maximo ang kayang mundo ng sandali na iyun at muli ay sinakop na siya ng pagod at antok at kapayapan kaya muli siyang nakatulog.

"Blaze, Blaze we're here," ang mahinang pagsabi ni Maximo sa kanyang tenga at naramdaman niya ang pagtaas-baba ng palad nito sa kanyang braso para siya ay gisingin.

Kumurap-kurap ang talukap ng kanyang mga mata at inalis niya ang kanyang sarili mula sa mainit na yakap ni Maximo sa kanya. Inaantok ang mga mata na nagpalinga-linga siya at namalasan niya ang pinakamagandang tanawin na kanyang nakita.

"Nasaan tayo?" ang tanong niya kay Maximo na isinusuot na ang backpack sa likuran nito.

"Polilio sa Panukulan," ang sagot nito sa kanya.

"Polilio, dito ba yung may exclusive na island resort?" ang interisado na tanong niya dahil sa napuntahan na niya ang nabanggit niyang resort.

Umiling ang ulo ni Maximo at dinampot na nito ang kanyang overnight bag, "hindi sa ibang isla iyun, main island tayo, kaya mo na ba tumayo at bumiyahe na muli?" ang tanong sa kanya ni Maximo.

Napabuntong-hininga siya at mabagal siya na tumango hindi niya alam kung kaya pa ng katawan niya ang sobrang pagod at biyahe, pero ayaw niyang magreklamo, at iyun din ang ikinabigla niya, sa loob lamang ng magdamag ay nabago si Blaze Tarantino.

Hindi siya maaaring tumanggi o magreklamo, alam niya na utang niya ang kanyang buhay at kaligtasan kay Maximo na napakalaki nang nagawa niyang istorbo rito. Gusto niyang makabawi rito kahit papaano at umpisa iyun sa hindi niya pagrereklamo.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon