"Sinubukan namin siyang pigilan anak, pero nagmatigas siya, may papel na ibinigay sa kanya si Divino napansin ko na iniabot nito kay Blaze iyun at nang buklatin ni Blaze ay nagsimula itong lumuha. Maaring mayroong nabasa si Blaze sa sulat o, hindi ko alam basta habang nagkakape kami, bigla na lamang nitong sinabi na sasama na siya pabalik sa Maynila para tuparin ang kasunduan ng kanyang ama at ni Dominggo," ang paglalahad ni nanay Pia kay Maximo. Pumasok muna sila sa loob ng kanilang bahay, nakaramdam siya ng panlalamig at panlalambot ng kanyang katawan at hindi iyun dahil sa pagod, kundi dahil sa kanyang nalaman na umalis na si Blaze at iniwan siya nito.
Hindi niya lubos maisip na balewala lang dito ang mga pinagsaluhan nila. Ang kanilang pagpapalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig sa isa't isa. Labis ang sakit na nadama niya nang sandali na iyun at napahawak ang kanyang kamay sa kanyang dibdib dahil tila ba naipitan na siya ng hininga, kaya naman niyaya na muna siya ng kanyang nanay at tatay na pumasok sa loob ng bahay nila.
"Pero akala ko iyun ang dahilan," ang sambit ng kanyang nanay at mula sa kanyang pagkakayuko ay umangat ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang ina.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" ang kanyang tanong niya sa kanyang nanay at nakita niyang kumuyom ang labi nito at nagsalubong ang mga kilay nito, ekspresyon ng kanyang nanay kapag may nagawa itong mali.
"Uh, k-kasi, akala ko bago ka umalis pa-Maynila ay inistorya mo na kay Blaze ang lahat, ang tungkol sa iyo, nabanggit niya kasi sa akin na luluwas ka dahil sa deal ninyo ng iyong papa, kaya naman nabanggit ko na...anak ka ni Dominggo," ang nahihiyang sabi sagot ng kanyang nanay sa kanya.
"Uh nay," ang nanlalambot niyang sabi sa kanyang nanay na hindi naman niya magawang magalit. Alam niyang hindi nito sinasadya ang nangyari, may kakulangan din siya , dapat ay sinabi na niya agad kay Blaze ang tunay na katauhan niya bilang anak ni signor Dominggo at ang tungkol sa deal.
"Sa tingin ko anak, ay yung deal ang dahilan, nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha nang malaman niyang mababali ang deal ninyo ng dahil sa kanya at kasama nito ang pangarap mo noon pa na mapahiwalay sa apelyidong Bajamonti," ang paliwanag ng kanyang nanay.
"Baka iniisip niya na ginagawa niya para sa akin ang makapagbibigay sa akin ng saya, nang katuparan ng aking mga pangarap. Ayaw niyang isipin na magsasakripisyo ako para sa kanya, at siya ang nagsakripisyo ng kanyang sarili para sa akin," ang mahinang sambit niya at hindi niya alam kung tatawa ba siya o magagalit sa kanyang nalaman.
"Sinubukan ka naming tawagan anak, doon na nga kami nagpamagdamag sa tricycle sa bayan, hindi na kami bumalik mula ng ihatid namin sina Divino at Blaze nitong magtatanghali, nagkasalisihan kayong dalawa," ang sabi pa ng kanyang nanay sa kanya.
"Wala na pong baterya ang telepono ko at, naging abala kami ni papa dahil sa nalaman na namin kung sino ang pumatay sa papa ni Blaze, muntik na rin nitong mapatay si papa, mabuti na lamang at nakarating ako sa oras," ang paglalahad niya.
"Sinong pumatay kay Vincenzo anak?" ang tanong ng kanyang tatay sa kanya.
Tiningnan niya ng diretso sa mga mata ang kanyang nanay at tatay na matamang na naghihintay ng kanyang sagot, naghalinhinan ang kanyang mga mata rito bago siya nagsalita,
"Ang kapatid ko po," ang mahinang sagot niya.
"May kapatid ka?"! ang gulat na tanong ng kanyang nanay at tatay. Tumangu-tango siya at inilahad niya ang tungkol kay Alfonso, hindi na lamang niya binanggit pa ang dahilan ng kanyang papa at ang natatago pa rin nitong pag-ibig sa kanyang nanay.
"Mabuti at makukulong na siya, kahit ano pa ang galit natin sa isang tao mali pa rin ang pumatay," ang sabi ng kanyang tatay.
"Muntik ko na siyang mapatay tatay, kung di lang ako pinaalalahanan ni papa," ang mahinang sagot niya, "ang mga kasama niya ay kaialngan ko"- hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin at tumangu-tango ang kanyang tatay sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...