Chapter 8

2.1K 90 40
                                    

He is joking, he is definitely joking, ang sabi ng isipan ni Blaze habang nakatayo siya sa gitna ng kanyang maliit na salas sa pagitan ng sofa at television console niya. Tiningnan niya ng diretso sa mga mata si Maximo and she tried to find humor in his voice and his face. Pero sa pagkakakunot ng noo nito sa pagiging firm ng labi nitong nakatikom ay wala siyang nakitang ni katiting na palatandaan na nagbibiro lang ito.

"Ha ha ha," ang pagak niyang tawa at bahagyang lumiyad pa ang kanyang katawan para i-exaggerate ang kanyang pagtawa na walang tuwa.

"Funny ka pala Maximo, sumakit tiyan ko katatawa, so now you may leave and I needed my eight hours of sleep," ang sabi niyang pagtaboy dito pero nanatili itong nakatayo malapit sa pintuan, tumazo pa ito ng mas zuwid kaza naman mas lalong tumangkad ito sa kanzang paningin at ang muli ay nakapoker face na naman ito.

Gwapo sana kaso simang- hot lang talaga, ang sabi ng isipan niya, umiling ang kanyang ulo at mula sa kanyang mga bewang ay nag-ekis ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

"I'm not going with you, you are not taking me home!" ang mariin na pagtanggi niya kay Maximo na nanatili pa ring nakatayo na parang estatwa malapit sa nakapinid na pinto at sa gitna ng kanyang maliit na kusina.

"Hindi ako pwedeng matulog sa bahay mo! Paano kung magka allergy ako sa bahay mo? Uh, to think na kung sino-sinong mga babae siguro ang nasa bahay mo gabi-gabi,"-

"Wala akong babae! Again, kumuha ka na ng mga damit mo at uuwi tayo sa bahay! napapagod na ako Blaze and the last thing I wanted to do is to put you in chains and pull you away habang naglalakad tayo and believe me, with my patience right now na malapit ng maubos ay malapit na iyung mangyari! At uulitin ko na huwag mo akong hamunin Blaze," ang mariin pa na banta nito sa kanya.

"Hindi ako nakakatulog sa ibang bahay," ang sagot niya na kasinungalingan at nanatili rin siyang nakahalukipkip ang mga braso sa kanyang dibdib at magmamatigas din siya.

"Nakakatulog ka ba sa mga hotels?" ang biglang tanong ni Maximo sa kanya at hindi niya inaasahan ang tanong nito, magcheck-in ba sila sa hotel? Ang tanong ng isipan niya.

"Of course, lalo na kung five star hotel why?" ang sagot at tanong niya kay Maximo na nanatiling nakatayo na pparang poste sa kanyang harapan.

"So nakakatulog ka sa ibang lugar meaning makakatulog ka sa bahay ko," ang sagot nito sa kanya.

"Ugh, hindi sila magkapareho, not unless na hotel ang dating ng bahay mo then no problem at dapat ay may sarili akong kwarto, pero kung isang bungalow house na noong panahon pa ng hapon ang bahay mo, no thank you, I'll be sticking my butt here in my condo," ang sagot niya na may paghaba na naman ng kanyang nguso at pagtaas ng isa niyang kilay.

"I'll be giving you ten minutes to move your precious ass at magpunta ka na sa kwarto mo para kumuha ng damit mo para bukas," ang muling utos nito sa kanya at muli ay walang emosyon na mababasa sa mukha nito.

"Ayokong matulog sa bahay mo," ang pagmamatigas niya at nagulantang siya nang bumunot mula sa likuran nito si Maximo at may baril na ito sa kamay na ang butas ay nakatutok sa kanya. Kaya naman nanlalaki ang kanyang mga mata na tiningnan ang baril na nakatutok sa kanya at ang kanyang mga braso na kanina lamang ay nakahalukipkip sa kanyang dibdib ay mabilis na bumaba sa kanyang tagiliran kasabay ng pag-atras ng isa niyang paa.

"Don’t you dare," ang mariin na sambit niya at bigla siyang napapikit nang kalabitin nito ang gatilyo at akal niya ay tatama sa kanya ang mabilis na bala kaya naman agad siyang napapikit at napangiwi ang mukha. Ngunit walang balang tumama sa pagitan ng kanyang mga mata.

Dahan-dahan niyang iminulat una ang isa niyang mata at tiningnan niya si Maximo na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito habang hawak ang baril na nakaturo pa rin sa kanya. At nang mapagtanto niya ang nangyari na pinaglololoko siya nito ay umakyat na naman ang dugo niya sa kanyang bumbunan at parang magma ng bulkan na dumaloy paitaas at handa ng sumabog.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon