Tatay? Ang tanong ni Blaze sa kanyang sarili, meeting the parents na ba? Ang dugtong pa niya at marahan niyang inlaog ang kanyang ulo. Ano bang pinag-iisip niya? Walang sila ni Maximo dinala lang siya doon kasi nagtatago sila, pero bakit parang umasa siya?
Pinagmasdan niya sina Maximo at ang sinabing tatay nito at hindi na kailangan pang pagdudahan iyun dahil parang nananalamin si Maximo dahil sa duplicate ng hitsura nito lalaking kayakap. Mahigpit na nagyakap ang dalawa habang nakatayo ang mga ito sa harapan ng nakabukas na gate. At may kumirot sa puso ni Blaze, kailan ba niya huling nayakap ang kanyang papa? Hindi na rin niya matandaan. She was so busy trying to shine in her career and partying kaya naman hindi na niya madalas na madalaw ang kanyang papa at kung magkita naman sila ay puro tungkol lang sa kanyang sarili ang ibinibida niya. Tungkol sa kanya. At muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niya ang mga luha na pumatak kaya naman mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga mata.
"Ginulat mo ako, sana nagpasabi ka na dadalaw ka," ang sabi ng tatay ni Maximo nang kumalas na ito sa mahigpit na yakap nilang dalawa.
"Uhm tay biglaan po," ang sagot ni Maximo.
"Pia! Halika dali!" ang malakas na sigaw ng tatay ni Maximo at sa palagay ni Blaze ay tinatawag na nito ang nanay ni Maximo, na napasulyap sa kanya at tumango ito para senyasan siya na lumapit siya rito.
Kagat labi na naglakad siya palapit kay Maximo at doon na siya napansin ng tatay ni Maximo. Nakaramdam ng pag-aalangan si Blaze lalo pa at naalala niya na nakaterno lang siya na pajama na pantulog. At ramdam na rin niya ang kanyang buhul-buhol na buhok.
"Uh Maximo?" ang tanong ng tatay ni Maximo at napangiti ito sa anak nang mamataan na siya ng tatay nito na may kulay Caramel din na mga mata. Inilapat pa ni Maximo ang kaliwang palad nito sa kanyang likuran at napayuko na lamang siya, dahil sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng hiya si Blaze.
"Uhm tatay si Blaze po," ang matipid na pagpapakilala ni Maximo sa kanya at nappansin niya ang hindi pormal na pagpapakilala nito sa kanya dahil sa hindi ni binaggit ni Maximo ang kanyang apelyido.
Siguro masyado na silang at ease ni Maximo sa isa't isa kaya hindi na nito binanggit ang kanyang apelyido, ang sabi niya sa sarili.
"Nobya mo?" ang nakangiting tanong ng tatay ni Maximo.
"Uhm,"-
"Sinong may nobya?" ang tanong mula sa loob ng gate at tinig iyun ng isang babae at nang makalabas na ito ay nanlaki ang mga mata nito lalo na ng makita na ng mga mata nito si Maximo.
"Maximo?" ang sambit nito at katulad ng tatay ni Maximo ay nangintab ang mga mata nito ng luha na hindi na nangimi na tumulo kasabay ng patakbong paglapit nito kay Maximo na sinalubong naman ng mahigpit na yakap ang nanay nito.
"Maximo, indong! Ay Diyos ko salamat at nakita kita na muli!" ang lumuluha na bati ng nanay ni Maximo sa anak.
"Pasensiya na po nanay at ngayon lang ako nakadalaw," ang paghingi ng paumanhin ni Maximo. Umalis ang nanay niya sa pagkakayap ni Maximo at hinawakan nito ang magkabilang balikat ng anak para bang binubusog nito ang mga mata ng imahe ni Maximo.
"Ang pogi-pogi mo anak ko, at wala ka ng punto, taga-Maynila ka na talaga," ang sabi nito kay Maximo at napalingon ito sa kanya at namilog ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Naku anak, sino ang kasama mo?" ang nakangiting tanong nito kay Maximo.
"Uhm nanay pwede po ba na sa loob na tayo mag-usap? Pagud na pagod na po si Blaze," ang sagot ni Maximo sa nanay nito.
"Ay oo nga naman sige halika'yo, Blaze baga ang pangalan niya?'' ang tanong ng nanay ni Maximo na narinig niya na tinawag ng tatay nito na Pia habang naglalakad sila papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...