chapter 7

2.1K 90 24
                                    


"Whaaaat" ang tili ni Blaze at napangiwi si Maximo sa tinis ng tili nito kung pwede niya lang lagyan ng tapon ang bibig nito kahit gaano pa iyun kaganda ay hindi siya magdadalawang isip na busalan ito kapag nagpakawala na naman ito ng mala-sirenang wang-wang ng bibig nito.

''Ugh, kailangan mo bang tumili?" ang inis na tanong niya kay Blaze.

"Oo! ano sa palagay mo ang dapat kong gawin? Tumawa ako sa ginawa mo sa akin? You handcuffed me!" ang hiyaw nito sa kanya at sa bawat pagbitaw nito ng salita ay patinis nang patinis ang hiyaw nito.

"You provoked me, kung ikaw ay sumama na lang sa akin ng hindi na umaangal hindi kita lalagyan ng posas!" ang malakas na sagot niya rito. Wala pa siyang sininghalan na babae, he was and always will be a gentleman kahit pa mga masasamang loob na ang kanyang kausap ay nananatiling magalang siya at mahinahon sa kanyang pagtatanong. He never let his cool down, until that moment, nang makaharap na niya ang babaeng ito na mukhang magbibigay sa kanyang ng uban at kulubot sa kanyang balat dahil sa kunsimisyon niya sa babaeng ilang minuto pa lamang niyang nakakasama.

"Sinabi ko ng ayokong sumama sa iyo!" ang sagot nito sa kanya na pasigaw.

"so, eh di ako ng sasama sa iyo," ang tanging sagot niya rito at marahan niyang hinila ang kalahati na bahagi ng handcuff na kanyang hawak.

"Hindi ka pwedeng sumama sa akin!" ang sigaw nitong muli sa kanya at muli na naman siyang napangiwi at kinuskos ng kanan na palad niya ang kanyang magkabilang tenga.

''Pwede ba huwag kang tumili?" ang galit na pakiusap niya rito pero tila bingi ito at sinimangutan lang siya.

"Gagawin ko ang gusto kong gawin!" ang sagot nito sa kanya.

Isa, dalawa, tatlo, ang bulong niya na bilang para makontrol pa niya ang kanyang temper at hindi siya tuluyan na sumabog.

"Pwede ba? Gusto ko ng magpahinga, sumunod ka na lang para di na tayo magtagal pa at makausad na tayo, wala ka ng magagawa ako na ang magbabantay sa iyo at ako ang masusunod, wala akong pakialam sa tantrums mo dahil kapag di ka sumunod, hindi ako mangingimi na gamitan ka ng pwersa," ang pagbabanta pa ni Maximo kay Blaze na napaatras lang ang ulo nito sa kanyang sinabi.

"At dun wag mong sabihin sa akin na 'make me' dahil obviously pinusasan na kita, illagay kita sa sako o itatali at hihilahin kita palabas ng bahay ng papa mo at papunta sa kung saan man ang destinasyon mo basta ako sa bahay ko gustong maligo at matulog," ang mariin na sabi pa niya rito.

"Bakit ba pinipilit mo!" ang singhal nito sa kanya.

"Dahil ito ang trabaho ko at tama ang papa mo siniseryoso ko ang trabaho ko at kapag sinabi kong sasama ka, by hook or by crook, ay sasama ka sa akin," ang mariin na pagbabanta niya rito at mukhang mauubusan na talaga siya ng pasensiya sa babaeng ito.

Napansin niyang kumuyom ang mga palad nito sa magkabila nitong tabi kung saan ang isa sa mga ito ay nakaposas na hawak niya ang isang bahagi. Napansin niya ang pagtikom ng mga labi nito at mukhang bubuwelo na naman ito na magpalabas ng galit.

"Don't even think na magpalabas na naman ng sirena yang bibig mo dahil inuulit ko ako na ang masusunod sa ating dalawa, ngayon halika na," ang mariin na sabi niya rito sabay hila niya ng posas.

"Aw!" ang hiyaw nito nang masaktan ito ng nakaikot na bakal sa malambot nitong balat, "don't do that!"

"Kapag hindi ka sumunod hihilahin ko ito nang hihilahin para lang sumunod ka, at kung iniingatan mo ang kutis mo, I suggest na sumunod ka sa akin kundi masusugatan ka ng husto hanggang sa maputol ang kamay mo diyan sa bisig mo dahil wala namang sinabi na kailangang dalhin kita ng buo sa fiance mo," ang pagbabanta niya rito at muli ay hinila niya ang hawak na posas.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon