Chapter 33

2.2K 94 34
                                    

Napabuntong-hininga si Blaze na may ngiti sa mga labi nito at isiniksik nito ang mukha sa dibdib ni Maximo. Hindi rin naman napigilan ni Maximo ang hindi ngumiti habang siya naman ay gising na at pinagmamasdan niya ang natutulog na mukha ng babaeng kanyang pinakamamahal na natutulog sa kanyang tabi.

Sandali rin lamang silang nakatulog ni Blaze dahil na rin naman sa pagkatapos ng kanilang 'getting to know you love making' ay nasundan naman iyun ng 'best friend forever love making'. At hindi na nga niya nagawa pang makatulog pagkatapos niyun. At inabot na siya nang bukang liwayway na nakatitig na lamang sa mukha ni Blaze.

Hinawi ng kanyang daliri ang hibla ng buhok na napunta sa pisngi ng mukha nito at inipit niya iyun sa likod ng tenga ni Blaze. At muli siyang napailing na may ngiti sa kanyang labi. Sino nga naman ang makapagsasabi na ang katulad niyang siniseryoso ang trabaho at may sinusunod na prinsipyo ay nabuwag lahat nang dahil sa isang bratinela na alaga niya?

At ang matamis na ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng may lungkot na ngiti. Alam niya ang magiging kapalit nang kanyang piliin ang kanyang puso, tuluyan nang maglalaho ang inaasam niya para sa kanilang pamilya. Pero, wala siyang pagsisisihan, wala, lalo pa at dulot ni Blaze ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Hinagkan niya ang noo ni Blaze at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito habang patuloy pa rin ito sa pagtulog.

Tama lang ang kanyang pasya at wala siyang pagsisisihan, si Blaze ang kanyang kapalaran at kung ano pa man ang magiging kabayaran ng kanyang ginawang pagsira sa kasunduan ay kanyang haharapin at maluwag na tatanggapin, ang mahalaga ay kasama niya si Blaze sa kanyang tabi. Sa kanyang buhay.

Natuon ang kanyang mga mata sa maliit na siwang sa capiz na bintana at nakita niya ang guhit ng liwanag na lumulusot doon mula sa papasikat na haring araw. Mukhang magiging maganda ang araw na iyun para sa kanila. Maaga pa lamang ay narinig na niya ang langitngit ng pinto ng silid ng kanyang mga magulang. Maaga pa ring gumigising ang mga ito dahil sa nakasanayan na rin. Maya-maya pa ay nadinig niya ang mahinang mga kaluskos sa ibaba ng bahay at alam niyang abala na ang kanyang nanay sa paglalaga ng kape at paghahanda ng agahan. At ilang sandali pa ay narinig naman niya ang tunog ng motor na ngamumula sa tricycle ng kanyang tatay.

Pumapasada pa kaya ang kanyang tatay? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Hindi nila napag-usapan ng kanyang tatay kahapon ang tungkol sa pinagkakaabalahan nito dahil sa tungkol sa kanyang pakay ang naging paksa ng kanilang pag-uusap kahapon.

Buwan-buwan siyang nagpapadala sa kanyang mga magulang kahit pa tinatanggihan ng mga ito ang kanyang ibinibigay na allowance sa mga ito. Kaya pa naman daw ng mga ito na buhayin ang kanilang mga sarili at pinaiipon na lamang sa kanya ang kanyang sweldo, pero hindi siya pumayag kaya naman buwan-buwan ay nagpapadala siya sa mga ito.

Siguro ay kailangan na niyang bumaba ng bahay para tumulong sa kanyang nanay, ang sabi niya sa kanyang sarili. Kaya naman dahan-dahan siyang bumangon para hindi niya magising ang natutulog na si Blaze. Alam niyang kailangan nitong makabawi ng lakas hindi lamang dahil sa napagod sila sa kanilang pag-uusap ng katawan, sa loob kasi ng bente-kwatro oras ay hindi pa nakatulog ng maayos si Blaze mula ng umalis sila sa bahay niya sa Maynila.

Kaya naman hahayaan niya munang makabawi ito ng lakas at ng tulog. Tumayo pa muna siya sa gilid ng kama at nakangiti niyang pinagmasdan si Blaze na parang batang natutulog sa kanyang kama. Nakatagilid ito na nakabaluktot o naka-fetal position, bahagyang nakabuka ang mga labi nito na namumula pa rin ng dahil sa pagsipsip niya sa mga labi nito kanina lamang.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pintuan at marahan niyang binuksan ang pinto at iniwasan niyang buksan ng husto ang pinto at inilusot niya ang kanyang katawan sa maliit na siwang upang hindi na siya makalikha pa ng anumang ingay na makapagpapagising kay Blaze. Pagkalabas niya ay hinila niya ang pinto at dali-dali siyang bumaba ng bahay at pagtapak niya sa huling baitang ng hagdan sa ibaba ay bumati sa kanya ang mabangong amoy ng nilagang kape. At nilanghap niya ang mabangong amoy at sinundan niya iyun patungo sa kanilang kusina.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon