Naramdaman na ni Blaze ang kamay ni Alfonso sa kanyang pagkababae at pilit na ibinubuka nito ang kanyang mga hita.
This is not what she wanted! Nagkamali siya! Ang sigaw ng isipan niya at naluha na ang kanyang mga mata at naisip niya ang tanging paraan para mabitawan siya ni Alfonso at makaalpas siya mula sa masamang binabalak nito.
"Ahhhhhh!" ang hiyaw ni Alfonso nang kagatin niya ang labi nitong nakasiil sa kanyang labi at nalasahan niya ang dugo nito sa kanyang bibig.
"Bitch!" ang sigaw ni Alfonso, "you brat bitch whore!" ang sigaw ni Alfonso at ibinalibag siya nito sa pader at lumapat ang isang sampal sa kanyang pisngi.
"Ahh," ang iyak niya dahil sa labis na sakit na kanyang nadama ng lumapat ang palad ni Alfonso sa kanyang pisngi na umabot sa sulok ng kanyang labi na umalsa at nagkasugat kaya naman ang sariling dugo na niya ang kanyang nalasahan.
Hindi niya napigilan ang kanyang luha na bumagsak sa kanyang mga mata. Muli siyang idinkit ni Alfonso sa dingding ng toilet room at mukhang desidido pa rin itong ituloy ang balak nito na siya ang nagpasimula.
"Stop please," ang pakiusap niya at nagulat silang pareho ni Alfonso nang marinig nila ang paghampas mula sa labas ng pinto na yumanig ng ilang beses, at napanganga na lamang siya nang marinig niya ang tunog ng baril mula sa labas ng pinto.
"Shit!" ang sigaw ni Maximo at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang side ng pintuan at saka niya sinipa ng sinipa ang pinto gamit ang paa niyang balot ng combat shoes.
"Ahhh!" ang narinig niyang iyak ni Blaze at mas lalo nang kumulo ang kanyang dugo sa kanyang narinig. Binunot na niya ang kanyang baril at pinaputukan niya ang doorknob kaya bumigay iyun at saka niya ulit sinipa ang pinto at malakas na humampas iyun at tumambad sa kanyang mga mata ang hubad na katawan ni Blaze at ang namumula nitong mukha at ang gilid ng labi nito ay may dugo.
At si Alfonso naman ay gulat na nakatingin sa kanya habang sapo nito ang labing may dugo at napagtanto na ni Maximo ang nangyari, mukhang kinagat ni Blaze ang labi nito kaya narinig niya ang malakas na hiyaw nito kanina habang nakasara ang pinto at ang hiyaw naman ni Blaze ay dahil sa pagsampal na ginawa ni Alfonso. At nagngitngit siya sa galit kay Alfonso.
"Maximo," ang umiiyak na sambit ni Blaze sa kanyang pangalan habang tinatakpan nito ang dibdib.
"P*t*ng' na ka!" ang galit na sigaw ni Maximo at pumasok siya sa loob toilet para kwelyuhan si Alfonso at agad na kumunekta ang kanyang kamao sa panga nito at dinig niya ang tumunog ng nabasag na buto.
"Labas Blaze!" ang malakas niyang utos kay Blaze na nanlalaki ang mga mata sa takot na lumabas ng CR at tumayo ito sa harapan ng pintuan habang pinagmamasdan siya kung paanong ipaghampasan niya niya si Alfonsi na di na nagawa na lumaban ng suntok at pilit na lamang na sinasalag nito ang kanyang mga suntok na hindi pumapalya na tumama sa mukha at sikmura nito.
"Gago ka!" ang galit na sabi ni Maximo. At ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pares ng mga kamay na humawak sa kanyang mga braso at isang suntok ang tumama sa kanyang tagiliran.
"Maximo!" ang narinig niyang sigaw ni Blaze ng kanyang panglan at napagtanto niya na pinagtulungan na siya ng kaibigan ni Alfonso.
Sinalag niya ang mga kamao habang sumasagot siya ng suntok. Pero imposible na hindi siya tamaan ng mga suntok dahil na rin sa tatlo na silang magkakatulong na sumuntok sa kanya at may humahawak pa sa kanya.
"Stop! Alfonso hayop ka!" ang sigaw ni Blaze sa labas toilet at maya-maya pa may mga pumasok sa loob ng toilet at ang mga kamo ay huminto sa pagsuntok sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...