Galit na tiningnan ni Blaze ang pinto ng kanyang silid habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama. Kagabi mula ng mapagtanto niya na hindi na siya pagbubuksan ng pinto ni Maximo ay dumapa na lamang siya sa kanyang kama at naluha out of desperation sa sitwasyon na kanyang pinasok.
Ang unang plano niya ng escape ay hindi pa umubra at mas masakit pa para sa kanya na hindi niya natanggap ay hindi umubra ang ganda niya kay Maximo. Hindi siya makapaniwala na hindi umubra ang Blazing beauty niya sa isang tuod na si Maximo Kanawayon!
Sa sama ng loob ay hindi na niya napigilan na lumuha siya kagabi, na sa napakatagal na panahon ay muli niyang ginawa, lumuha siya hanggang sa nakatulugan na niya iyun.
At dahil sa nakatulugan niya na kagabi ang pagluha ay hindi na niya nagawa pang isara ang mga kurtina ng kanyang bintana ng kanyang kwarto. Kaya naman ang liwanag na mula sa labas ng bintana na mula sa papasikat na araw ay dumampi sa talukap ng kanyang mga mata na gumising sa kanyang pagkakatulog.
Kumurap-kurap ang kanyang mga pilikmata at pagkabukas ng mga talukap niyun ay kasunod nito ang pagbangon niya mula sa kanyang pagkakahiga na parang fetus sa ibabaw ng kanyang kama. At doon na nga natuon ang kanyang mga mata sa nakapinid pa rin na pinto ng kanyang kwarto.
Inilapat niya ang kanyang mga paa sa sahig at saka niya hinila ang sarili para tumayo at humakbang siya palapit sa pinto at doon ay tumayo pa siya ng ilang segundo para titigan ang doorknob ng pinto ng kanyang kwarto. At kinagat pa niya ang kanyang labi bago niya binalot ang kanyang kamay sa doorknob at saka niya iyun dahan-dahan na pinihit at namilog ang kanyang mga mata nang kumagat ang lock at nabuksan ang pinto.
Una muna niyang inilusot ang kanyang ulo sa siwang na kanyang ginawa at unang sinilip niya ay ang bakanteng sofa.
"Huwag ka ng pasilip-silip diyan lumabas ka na" ang narinig niyang sabi ni Maximo na ang boses ay nagmula sa may maliit niyang kusina.
Umikot na naman ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ni Maximo at galit siyang humakbang palabas ng kanyang silid. Matalim ang kanyang mga mata na tinapunan niya ng tingin si Maximo na freshly showered na at nakahanda na naman para simulan ang araw nito.
"Mabuti naman at naisipan mo na rin na buksan ang pinto? Baka gusto mong ikulong mo pa ako sa loob at hindi pa tapos ang tripping mo," ang galit na sagot niya rito at humakbang siya palapit sa kusina para kumuha ng baso at uminom ng tubig.
"Kung mauna kang tumigil sa tripping mo, susunod ako," ang sagot sa kanya ni Maximo na may hawak na tasa sa isang kamay nito at sumandal ang balakang nito sa gilid ng kanyang maliit na kitchen counter.
"If showing concern for your health is tripping for you, hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak mo," ang pagsisinungaling niya kay Maximo, ayaw niyang mapahiya pa ng husto sa mga mata ni Maximo na ang plano talaga niya ay ang akitin ito.
"Hindi sa akin uubra yang mga palusot mo Blaze, akala mo ba na isa ako sa mga lalaking madampian lang ng palad mo ay parang kandila na lalambot at mapapaikot mo na sa mga palad mo? Don't appraise yourself too high," ang sarkastikong sabi ni Maximo sa kanya na ikinakirot ng kanyang pride.
''Excuse me?'' ang kunot noo niyang tanong kay Maximo na tinaasan pa siya ng isang kilay.
"Hindi ako ganun kababaw para lang sumunod ako sa gusto mo," ang dugtong pa nito sa kanya.
Tumayo siya sa harapan ni Maximo na inilagay niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at naramdaman niyang umapaw sa suot niyang cami ang kanyang mga dibdib, pero ni kurap ay di ginawa ng mga mata ni Maximo na nakadiretso ng tingin sa kanyang mga mata. Ni isang Segundo, ni pagtapon ng tingin pababa sa kanyang mga dibdib ay di nito ginawa.
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...