Chapter 15

1.7K 70 18
                                    

"I can't believe that you were intervening with my personal affairs already Maximo, pati ba naman ang dinner date ko sa aking boyfriend ay pakikialamanan mo pa?"! ang galit na tanong ni Blaze kay Maximo.

"Uh isn't protecting your hymen is way too personal aleady? tapos sasabihan mo pa ako na masyadong personal ang pagbabantay ko sa iyo which by the way ay parte ng trabaho ko at hindi ba dapat sinasabi mo na sa boyfriend mo na ikakasal ka na?" ang giit ni Maximo kay Blaze na muli na namang umikot ang bilog ng mga mata nito.

"I will tell him if when ay maghintay ka, wag kang masyadong excited Maximo, baka mamaya hindi pala matutuloy ang kasal na sinasabi mo," ang nakangising tugon niya sa sinabi ni Maximo na tinaasan siya ng kilay nang sulyapan siya nito habang nagmamaneho ito at pabalik na naman sila sa bahay ni Maximo.

"Huh asa ka pa, matutuloy at matutuloy ang kasal mo Blaze alam mo ba na,"-

"Alam ko pledged bride ako at mapuputol lamang ang pledged kapag ang mismong groom ang bibitiw sa pledged na iyun, teka nga bakit pa parang may alam ka tungkol sa group?" ang nakakunot noon a tanong ni Blaze kay Maximo na diretso lang ang mga mata na nakatuon sa windshield at tumiim ang labi nito at hindi nito sinagot ang kanyang tanong.

"At saka Maximo hindi ibig sabihin ay hindi ko na pwedeng gawin ang lahat ng dati kong ginagawa, mag-aasawa ako hindi ako magmamadre, if I want to go out to hang-out with my friends like I used to ay hindi mo ako pwedeng pakialamanan at pagbawalan, kung gusto mo bantayan mo ako, pero huwag mo akong pagbawalan Maximo," ang mariin na sabi niya kay Maxi at nagtaas lang ang dalawang mga kilay nito sa kanyang sinabi at bahagyang nanulis ang nguso nito sa kanyang sinabi.

''Hindi pa ba pumasok sa kukote mo na mula nang ipinangako ka ng ama mo na ipakasal ay nagbago na rin ang buhay mo? Alam mo ba yun? Alam mo rin ba ang kukote kung meron ka man nun?" ang tanong pa sa kanya ni Maximo.

"Ugh of course i know what kukote is, I am not illiterate at saka hindi ako mahilig sa kukote," ang mariin na sagot niya rito na may pag-irap pa ng kanyang mga mata.

"Oh hindi ka mahilig dun kaya wala ka nun," ang sagot ni Maximo sa kanya na hindi malaman kung matatawa o mamamangha sa kawalang alam ni Blaze sa salita.

"Yes," ang mataray niyang sagot na may kasamang pagkumpas pa ng kanyang kamay sa hangin.

"Ano ba sa palagay mo ang kukote? Really kung alam mo, just humor me," ang giit sa kanya ni Maximo na kanyang ikinainis na sa tingin yata sa kanya nito ay tanga siya! Lalo pa at may bahid ng pagtawa ang tono ng salita nito.

"Of course it is sweet potato!" ang inis niyang singhal kay Maximo na hindi na napigilan ang sarili na matawa sa kanyang sinabi.

"Pffft, ha…ha ha ha! Kukote? Ha ha ha ha, sweet potato?"! ang natatawang sabi ni Maximo habang nagmamaneho ito at napahampas pa ang palad nito sa hawak na manibela.

"Ha..ha…ha…na..ka..ka..tawa," ang walang buhay niyang sabi kay Maximo na napasandal pa sa backrest ng driverseat.

"Hindi ko alam na kumedyante ka pala?" ang natatawa na tanong ni Maximo sa kanya na mas lalo niyang ikinainis pero sa halip na ubusin niya ang kanyang lakas sa walang kwentang bagay ay pinili na lamang niyang itikom ang kanyang labi at ibaling ang kanyang atensyon sa labas ng bintana at hintayin na naman niya na matapos ang boring na araw na iyun.

Unti-unting humupa ang tawa ni Maximo noon lamang niya ulit naramdaman ang tumawa ng malakas yung carefree, at hindi niya inaasahan na ang bratinela na kasama niya ang magiging dahilan ng kanyang paghalakhak.

Isang buntong-hininga ng kaluwagan ang kanyang pinakawalan habang nanatili ang ngiti sa kanyang labi at hindi niya napansin na nagmamaneho na pala siya nang may malapad pa rin na ngiti sa kanyang labi hanggang sa bigla na lamang iyung nabura nang mula sa kalayuan ay napansin niya ang dalawang kulay itim na sasakyan na nasa labas ng kanyang bahay.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon