Chapter 36

1.8K 94 27
                                    

Pinagmasdan ni Maximo ang mga litrato na nasa kanyang phone. Mga kuha nila iyun ni Blaze habang magkatabi silang nakahiga sa kanyang kama. Nakaunan ito sa kanyang balikat at parehong malapad ang kanilang mga ngiti habang pareho rin na nakatuon ang kanilang mga mata sa camera ng kanyang telepono, halatang-halata sa kanilang mga mata at labi ang labis na saya.

Natuon sandali ang kanyang mga mata sa malawak na karagatan ilang oras na siyang bumibiyahe at ilang oras na din lang ay mararating na niya ang port of Real at mula roon ay halos apat at limang oras na naman siyang bibiyahe pa-Maynila at maghihintay pa siya ng tawag mula kay signor Dominggo Bajamonti ang kanyang tunay na ama.

Napabuntong-hininga siya at muli niyang tiningnan ang litrato nila ni Blaze, pagkatapos ay isang matipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

Hindi niya inakala na darating ang pagkakataon na iyun na makakatagpo siya ng isang babaeng babali ng lahat ng kanyang prinsipyo at paniniwala at ganun na rin ng kanyang mithiin. Ang tanging pangarap lamang niya sa buhay ay ang maging isang pulis at ang maging isang tunay na Kanawayon. Matagal na niyang hinahangad na maalis ang apelyido na Bajamonti sa kanyang apelyido, dahil ang apelyido na iyun ay nangangahulugan ng kapangyarihan sa isang grupo na kailanman ay di niya pinangarap na mapabilang. Pero mukhang tama nga ang mga kasabihan na kapag ang puso mo nga raw ay pinasok ng pag-ibig ay hahamakin nitong lahat masunod lamang ito, at iyun ang nangyayari sa kanya nang sandali na iyun. Handa niyang hamakin at isakripisyo ang lahat para lamang magkasama sila ni Blaze, katulad din ng kanyang mga magulang. Isinuko ng kanyang nanay ang titulo nito at si tatay naman ay binali ang prinsipyo para sa kanilang pag-iibigan.

At ganun din ang kanyang gagawin para kay Balze, handa na siyang maging isang Bajamonti kung kinakailangan kung hindi talaga siya isusuko ng kanyang papa. Alam niyang pwede naman na siyang mamili at pwede niyang ideny ang inheritance niya sa kanyang papa, pero dahil sa nakiusap ang kanyang tatay sa kanya ay kinilala niya ang kanyang papa kasama na ang mga kaakibat na tungkulin nito. Alam niya na paraan iyun ng kanyang tatay, para makabawi sa mga nagawa nila ni nanay sa kanyang tunay na ama.

Baka naman may magandang maidudulot ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kanyang papa. Kapag naikasal na sila ni Blaze at kapag siya na ang naging lider ng grupo ay babaguhin niya ang patakaran at kalakaran sa loob ng grupo upang maiwasan ang pagpatay ng dahil lamang sa mga gustong makaupo sa pwesto.

Pagkabalik niya sa Sta. Fe ay sasabihin na niya ang lahat kay Blaze tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Pinagmasdan na muli ni Maximo ang litrato nila ni Blaze, at isang ngiti na kay tamis ang gumuhit sa mga labi niya at matagal niyang tinitigan ang kanilang litrato. At naagaw na lamang ang kanyang atensyon paalis sa kanyang cellphone nang mamataan na niya ang port of Real ilang metro na lamang ang layo mula sa lantsa na sinasakyan.

***

Nagkapalitan sila ng tingin si Blaze at nanay Pia, at dali-dali silang tumayo at mabilis na nag-uunahan ang kanilang mga paa palabas ng bahay at pababa ng hagdan at naabutan nila si tatay Sandro na may hawak na mahabang baril at unti-unti itong naglakad palapit sa nakabukas na gate at sa labas niyun ay nakita niya si Divino na nakatayo sa harapan ng nakabukas na gate na nakataas ang mga kamay nito.

"Put your hands at the back of your head!" ang sigaw na nanggaling kay tatay Sandro at sumunod naman si Divino na sinabi nito.

"Sandro, bakit? Sino Iyan?" ang takot at alala na tanong ni nanay Pia kay tatay Sandro, habang silang dalawa ay nanatili na nakatayo malapit sa hagdan habang si tatay Sandro ay nakadistansiya pa rin kay Divino na nasa labas ng gate.

"Hindi ko kilala pero napansin ko na kanina pa siya nagmamasid dito sa bahay, baka siya ang tinutukoy ng anak natin, hindi pa natin alam kung ilan sila,"-

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon