Chapter 23

1.6K 91 32
                                    


"G-giving up?" ang nautal na tanong ni Blaze kay Maximo nang sabihin nitong inihatid na siya sa kanilang bahay and he was giving up on being her bodyguard. She was shocked and to her surprise she was sad.

"Yes, mukhang hindi kita kayang bantayan at masisira ang...hah, pagod na ako sa ganitong trabaho I never wanted to be a bodyguard isa akong pulis hindi nanny ng isang bratinela na katulad mo!" ang galit na sagot nito sa kanya.

"But you agreed to this job!" ang giit niya kay Maximo na halatang nagpipigil ng emosyon nito.

"Because I made a deal na tanging si Signore Dominggo lang ang makapagbibigay!" ang galit nitong sagot sa kanya.

"What was the deal?" ang tanong niya at tiningnan lamang siya ni Maximo at hindi nito sinagot ang kanyang tanong.

"Pumasok ka na sa loob," ang tanging sagot nito sa kanya at nakaramdam na siya ng kaba nang lumabas na si Maximo ng sasakyan nito at naiwan siya sa passenger seat.

Hindi niya ito inaasahan, at nakaramdam siya ng takot at lungkot, hindi ba ito ang gusto niya? Ang makawala kay Maximo? Pero bakit sa sandali na iyun na sumuko na ito ay hindi naman niya iyun matanggap?

Namuo ang luha sa kanyang mga mata at ang pakiramdam niya ay mas bumigat pa ng sandali na iyun, bakit ba hindi umaayon ang sandali na iyun sa kanya? She thought she's making good decisions for herself but that moment she realized that all she did is to make a fool of herself and now she's suffering from it, starting from Maximo leaving her.

Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang kamay at sininghot niya ang kanyang luha saka siya malungkot at matamlay na lumabas ng sasakyan at napansin niya si Maximo na nakatayo pa rin sa harapan ng intercom. Pinindot nitong muli ang button at nagsalita na muli si Maximo sa harapan ng speaker at naghintay pa sila harapn ng gate ng ilan pang minuto ngunit walang sumagot sa kanilang pagtawag at walang nagbukas ng gate para sa kanila.

"Will you please call your papa?" ang patanong na pakiusap nito sa kanya. Ayaw niya sana iyung gawin, pero wala naman siyang magagawa, kahit pa masakit sa kanya ang mangyayari ay wala siyang magagawa, dahil sa ayaw na nito na makasama siya.

Dinukot niya ang kanyang telepono sa loob ng kanyang bag at matamlay niyang idinayal ang numero ng kanyang papa na kanina pa niya tinatawagan ngunit wala pa rin hanggang sa sandali na iyun na sumasagot.

"He's not answering, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot," ang sabi niya kay Maximo na kumunot ang noo sa kanyang sinabi saka nagpamewang ito habang nakatayo.

"Ano sa tingin mo ang reason kung bakit di niya sinasagot ang tawag mo?" ang tanong sa kanya ni Maximo.

"He could be anywhere, any place or maybe may meeting ang group I really don't know, ngayon lang ito nangyari," ang sagot niya kay Maximo at sumagi sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ng kanyang papa sa loob ng sasakyan nito.

"O baka galit din siya sa akin at ayaw na rin niyang maging papa ko katulad mo na ayaw na maging bodyguard ko," ang sagot niya at tiningnan lang siya ni Maximo at hindi nito sinagot ang kanyang sinabi.

"How about the guards? Talaga bang walang sumasagot mula sa loob? Was this normal?" ang tanong ni Maximo sa kanya at umiling ang kanyang ulo. Hindi kailanman nangyari ang ganun sa kanilang mansion. Laging may sasagot sa intercom at laging nakaalerto ang mga ito the moment a car pulled infront of their gates.

"No, laging nakaalerto ang guards namin," ang sagot niya at sinilip nila ang malaking bahay mula sa labas ng wrought iron gates. Bukas ang ilang ilaw sa lawn at sa harapan ng main door ng mansion, sa loob naman ay makikita ang ilaw ng mga silid na maaninag sa mga kurtina ng binatana ng mansion.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon