Chapter 21

1.6K 81 32
                                    

"Please Maximo?" ang mahinang sabi ni Blaze at tila ba buga na lamang ng hininga ang pagkakasabi nito sa kanya at hindi niya inaasahan ang reaksyon ng kanyang katawan. Tumayo ang kanyang mga balahibo sa katawan kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Bumaba ang kanyang mga mata sa bahagyang nakabuka nitong mga labi na may kintab na parang mga cherry at sa palagay ni Maximo na sing-tamis ng cherry ang mga labi nito. At ang mga dibdib ito na tumimo na ang size nito sa kanyang isipan mula ng nagpunta sila sa boutique ng mga underwear ay natatoo na sa kanyang isipan ang size thirty-six b ni Blaze na sa sandaling iyun ay damang-dama niya sa kanyang dibdib.

Napalunok siya, at mula sa mga mata nito ay bumaba nga ang kanyang mga mata sa mga nakabuka na mga labi ni Blaze at doon iyun nagtagal.

"Maximo?" ang narinig niyang sambit ni Blaze at nanatili ang kanyang mga mata sa labi nito.

"Go! Kanawayon! Tukain mo na!" ang narinig niyang hiyaw ilang hakbang lang ang layo sa kanila ni Blaze at napukaw ang kanyang isipan at napagtanto niya na malapit-lapit na niyang hagkan ang mga labi ni Blaze kanina.

"Gumiri ka na!" ang sigaw pa ng mga ito at kagat labi siyang lumingon sa mga ito at nahihiyang ngiti ang isinagot niya sa mga ito.

"They're your friends?" ang tanong ni Blaze sa kanya na nanatili pa ring nakaikot ang mga bisig nito sa kanyang leeg.

"Uhm oo, Blaze," ang pagbanggit niya sa pangalan nito.

"Maximo please? Please let me finish this night with my friends? This may be my last night, happy night, let me spend it with them bago ako pumasok sa masalimuot na buhay ko bilang isang asawa ni signore Dominggo," ang pakiusap ni Blaze sa kanya.

Napabuntong-hininga si Maximo, it wouldn't kill him nor Blaze kung hayaan niya muna ito na makasama ang mga kaibigan nito, tama naman ang sinabi nito na magbabago na ang buhay nito sa mga susunod na araw.

"Okay, okay," ang sagot niya saka siya tumangu-tango, "pero hindi ka pa asbwelto sa ginawa mo."

Grazie!" masayang sabi ni Blaze sa kanya at mabilis na tumikayad ito para hagkan ang kanyang pisngi na kanyang ikinagitla.

Napabuntong-hininga si Maximo at sinundan na lamang niya ng tingin ang masayang si Blaze na naglakad pabalik sa lamesa nito kasama ang kaibigan nitong lumapit sa kanila kanina. Napasulyap siya sa direksyon ng grupo ng mga CEO at asawa nito at nagtaas ang mga ito sa kanya ng mga hawak nitong baso at tanging pagtango na lamang ang isinagot niya sa mga ito.

Naupong muli si Blaze sa sofa kung saan naroon ang grupo ng mga babaeng kaibigan nito. pinagmasdan siya ng mga ito habang papalapit siya at naghahanap siya ng mauupuan niya.

"Maximo please join us, pumayag ka naman na ma-enjoy ko ang gabi kaya naman sumama ka na rin dito sa amin, huwag ka ng humiwalay ng lamesa," ang sabi ni Blaze sa kanya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka siya humakbang para maupo sa dulo ng sofa malayo sa grupo nina Blaze but near enough for him to see them.

"Sino si hunk?" ang tanong ng kaibigan ni Blaze sa kanya pagkaupo ni Maximo sa dulo ng sofa.

"Bodyguard ko," ang matipid na sagot ni Blaze at tinaasan niya ng kilay ang kaibigan na gusto ba niyang sabihin na hands-off ito sa kaibigan.

"Ang hot ah," ang sagot pa nito sa kanya, "bakit ka naman may bodyguard?" ang taka na tanong nito sa kanya at nagkibit-balikat lang siya bilang sagot sa kaibigan. Dinampot niya ang kanyang baso at iningat niya iyun sa kanyang bibig.

"Erhm," ang malakas na paglilinaw ng lalamunan ni Maximo na sa kabila ng malakas na tugtog ng musika sa loob ay narinig niya iyun at napasulyap siya kay Maximo na nakataas ang isang kilay sa kanya habang nakatuon ang mga mata nito na kanya at basa niya sa mga tingin nito ang warning na huwag na niyang inumin ang laman ng hawak na baso.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon