Chapter 25

1.7K 93 24
                                    

Pumihit ang katawan ni Blaze pagkalapat ng kanilang katawan sa kama nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito kinuha ni Blaze ang kanyang kanan na kamay para ipatong sa bewang nito at lumapat naman ang kanyang kamay sa malambot nitong bewang at sa halip na bawiin niya ang kanyang kamay ay kinabig pa niya palapit sa kanya si Blaze na idinikit pa ang pisngi nito sa kanyang dibdib at agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib at bumaba ang kanyang mga mata sa mukha ni Blaze at pinagmasdan niya ang nakapikit nitong mga mata at ang nakangiti nitong mga labi.

Oh God, ano na itong nararamdaman niya? Ang tanong niya sa kanyang sarili habang patuloy sa pagtibok ng mabilis ang kanyang puso, imposible na hindi iyun naririnig ni Blaze, pero hindi niya kayang pigilan ang puso niya na hindi rin niya alam kung anong sinasabi ng bawat pintig ng kanyang dibdib.

Pinagmasdan niya ang mukha ni Blaze at napansin niya ang kalmadong pagtaas-bba ng dibdib nito at batid ni Maximo na nakatulog na si Blaze sa kanyang dibdib. At saka lang niya napagtanto na nakangiti na pala sa ang kanyang mga labi habang pinagmamasdan niya ang natutulog na si Blaze at inalis niya ang kanyang kamay sa bewang nito para haplusin ang basang buhok nito na tumakip na mukha nito, at sa kanyang ginawa ay mas lalo pang isiniksik ni Blaze ang mukha nito sa kanyang dibdib at napabuntong-hininga na lamang siya at muli niyang ibinalik ang kanyang kamay at hindi na sa bewang nito kundi inilapat niya ang kanyang palad sa likod nito at kanyang idinikit ang kanyang baba sa ibabaw ng ulo nito at saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Ilang minuto pa lang siyang nakakatulog nang marinig niya ang tunog ng pinto sa ibaba. Ang pinto kasi ng bahay nila ay luma na at tumutunog na ang hinges ng mga ito, hindi niya iyun nilalagyan ng oil dahil na rin sa rason na nagpagising sa kanya. Agad na dumilat ang kanyang mga mata at naging alerto ang kanyang tenga at ang kanyang pakiramdam at muli niyang narinig ang pilit na pinatahimik na maingay na pintuan. Tahimik siyang bumangon at ayaw niyang biglang gumising si Blaze at magsalita o ito o lumikha ng kahit anong ingay na magsasabi sa mga pumasok sa loob ng bahay na naroon sila.

Bumangon siya at tiningnan pa muna niya si Blaze na napabuntong-hininga bago ito sumiksik sa kanyang unan. At dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pintuan at doon ay idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto at narinig niya ang mga kaluskos sa ibaba. Maliit lamang ang bahay at batid niya na agad silang makikita ng mga iyun kaya naman agad siyang kumilos at sa tingin ni Maximo na hindi simpleng pagnanakaw ang pakay ng mga ito lalo na kung sa mga yabag ng paa nitong may mabibigat na sapatos ay marami ang pumasok sa loob ng bahay. Dinampot niya ang kanyang baril at nilapitan niya si Blaze na mahimbing pa rin na natutulog.

"Blaze," ang bulong niya at agad niyang tinakpan ang bibig nito nang umungol ito at agad na dumilat ang mga mata nito sa takot ng takpan niya ang bibig nito at kitang-kita sa mga mata nitong namilog ang takot ng sandali na iyun pero alam ni Maximo na mas matatakot pa ito sa kanyang sasabihin.

"Shh may tao sa ibaba ng bahay," ang bulong niya kay Blaze na tulad ng kanyang inaasahan ay mas lalo niyang kinakitaan ng takot ang mga mata nito.

"We don't have time, bangon na," ang utos niya rito at agad itong bumangon, agad niyang hinawi ang isa sa mga capiz na bintana at nauna siyang lumabas. Ipinatong ang kanyang mga paa sa nakausling yero na bubong ng kusina ng bahay. Hindi na niya ginawa pang magsuot ng sapin sa paa dahil sa mas bibigat siya at mas makakalikha siya ng ingay.

"C'mon," ang sabi ni Maximo kay Blaze na agad na isinampa ang mga paa sa hamba ng bintana at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang nito para tulungan ito na makababa ng tahimik sa bubong na yero.

"Iwasan natin na gumawa ng ingay," ang bulong niya kay Blaze at isinara niya ang bintana na kanyang binuksan at agad na isinampa niya ang kanyang mga kamay sa bubong ng bahay na mas maikli kaysa sa bubong na kanilang tinatapakan.

My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series)  (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon